Angel Locsin, inilarawan bilang isang “perfect wife” ng kilalang host na si Korina Sanchez!



Nito lamang June 29, 2019 nang magulat at masorpresa ang marami sa Instagram post ng aktres na si Angel Locsin patungkol sa kaniyang nalalapit na pagpapakasal sa kaniyang nobyo na isang movie producer, si Neil Arce. Talaga namang pinag-usapan ang pangyayari na ito ay sinubaybayan ng maraming mga Pilipino.



Kaugnay nito ay ang pagbibigay komento ng dating kasintahan ng aktres na si Luis Manzano. Labis labis ang mga pagbati ng malalapit nilang mga kaibigan at kakilala. Ngunit higit pa sa kanila ay nagpahayag din ng kani-kanilang kasiyahan ang mga kapwa nila aktor, aktres, at mga kilalang personalidad.


Tulad na lamang ng batikang host na si Korina Sanchez-Roxas. Siya ay kilala rin bilang asawa ng pulitiko na si Mar Roxas. Narito ang kaniyang naging pahayag:
“Finally. Star actress Angel Locsin is engaged! Parating READY si Angel. She would be the perfect partner to a man because she is just as tough and prepared as he would be. Ready si Angel sa kasal, buhay may asawa, ready sya sa kahit anong emergencies or delubyo. Forever Girl Scout kumbaga,” saad ni Korina sa kaniyang social media post.


Higit pa rito ay inilarawan niya din bilang isang “perfect wife” ang “The General’s Daughter” star. Dahil sa pagiging matatag nito at pagiging handa sa maraming mga bagay na maaaring maging kaharapin nila sa hinaharap bilang mag-asawa.



Narito ang reaksyon ng ilang mga netizen tungkol kay Angel Locsin:

” I know her that well, but she strikes me as somebody who is very down-to-earth.”, “She deserves all the happiness that she have!! She’s beautiful inside and outside.”

“I love Angel because she is an authentic person. Her passion is comendable. She help without TV no fanfares. The willingness to help is imbedded in her.”



“Idol Angel Locsin congratulations you’re engage na. Abangan namion sa simbahan ang pag rampa.”




error: Content is protected !!