Isang mag-asawa na fish vendor, nakagasgas ng isang Lamborghini gamit ang luma nilang sasakyan ngunit hindi nila inaasahan ang susunod na gagawin ng may-ari ng mamahaling sasakyan na ito!



Kadalasan, hindi natin naiwasang lumingon sa kalsada lalo na kung makakakita tayo ng mga mamahalin at napakagagandang sasakyan. Minsan pa nga ay nangangarao din tayo na kahit papaano sa mga susunod na panahon ay magkaroon din tayo ng pagkakataon upang makabili ng sarili nating sasakyan.



Ngunit ang ilan sa atin ay napapatanong na lang din paano nga ba kung magasgasan o aksidente nating masagi o mabangga ang mamahaling sasakyan na iyon? Tiyak na malaking problema nga ito kung sakali lalo na para sa mga taong hindi naman ganoon kapalad at kayaman sa buhay.


Tulad na lamang ng mag-asawa na ito sa Thailand Nonthaburi Province, ang aakalain mong isang bangungot ay nangyari nga sa kanila nang hindi nila inaasahan. Habang minamaneho nila ang kanilang lumang sasakyan ay aksidente nilang nagasgasan ang nakaparadang Lamborghini.


Dahil sa batid nilang nakaaksidente sila ng isang mamahaling sasakyan ay kaagad silang bumaba at kinausap ang may-ari ng mamahaling sasakyan. Ang lumang sasakyan ng mag-asawa ang mayroong pinakagrabeng sira ngunit hindi sila nagdalawang-isip na magsabi ng katotohanan na sila ang may kasalanan sa nangyaring insidente.


Dahil sa batid ng mag-asawa na malaking halaga talaga ang aabutin ng pagpapaayos ng nasabing mamahaling sasakyan ay nagmakaawa sila sa may-ari kung papayag ito na hulugan na lamang ang kanilang gawing pagbabayad. Nalaman nito na wala pa lang insurance ang mag-asawa kahit sa sarili nilang sasakyan.



Ngunit laking gulat na lamang ng mag-asawa nang sabihin ng may-ari ng Lamborghini na sa halip na magbayad ng malaking halaga ay mangako na lamang silang mag-asawa na mag-donate ng 3000 Thai Baht sa isang temple ng sampung beses.

Pahayag pa ng mabuting businessman, hindi niya nais na ipagyabang na isa siyang mayaman at ang kaniyang dahilan kung bakit hindi niya pinagbayad pa ang mag-asawa ay upang magbigay inspirasyon sa maraming tao upang matutong magpatawad sa kanilang kapwa at napakahalaga na makapagpatawad tayo ng buong puso.






error: Content is protected !!