Ito pala ang napakadelikadong daan sa Nepal na isa rin sa pinakadelikado sa buong mundo na nasa kalagitnaan ng isang rumaragasang talon!



Maraming nagsasabi na ang mga mahihirap na daan ay nagdudugtong sa magagandang destinasyon. Maaaring totoo ang mga salitang ito kung sa malalim na kahulugan mo ito titingnan, ngunit kung sa literal na paliwanag ay talaga namang napakahirap ang lumusong makadaan ng maayos sa isang kumplikadong kalsada o daanan.



Nakakalungkot isipin na mayroong mga tao na kinakailangan pang pagdaanan ang mga delikadong daanan na ito makapagbiyahe lamang. Gaya na lamang ng “waterfall road” na ito sa Nepal. Ang nasabing daanan ay mula sa viral video kung saan makikita ang tila rumaragasang tubig mula sa itaas pababa ng daanan. At talaga namang nakakatakot ang daanan na ito dahil sa sobrang tarik, sobrang kipot, at mayroon pang dumadausdos na tubig pababa.


Ngunit ang nasabing daan pala ay isang pakurba na daanan na patungo sa bulubunduking bahagi ng lugar. Kagaya na lamang ng isang daan sa gilid ng bundok, ang umaagos na tubig dito ay nakapagpapahirap pang lalo sa mga tao o byaherong dumaraan dito.


Ang nakakatakot at delikadong daan ay kilala sa tawag na “Manang Road”, na nasa bulubunduking lugar ng Annapurna sa Nepal. Itinuturing din itong isa sa pinakadelikadong daan sa buong mundo. Hindi lamang ito mahaba at mahangin na daanan sa gilid ng bundok ngunit ito rin ay nasa kalagitnaan ng talon.


Ang daan na ito ay mayroong haba na 95.8 kilometro mula sa nayon ng Besishahar at nagtatapos nayon ng Manang at ito ay may taas na 11,545 ft. above sea level.



Ang rumaragasang tubig ay mula sa mataas na talon na matatagpuan sa nasabing kalsada. Ang tubig dito ay sadyang napakadelikado dahil isang pagkakamali lamang ng driver at tiyak na magdudulot ito ng kapahamakan at aksidente sa mga tao o sa mga biyaherong magtataka na dumaan dito.

Walang ibang kasalubong na sasakyan ang makikita sa nasabing video na kuha rin ng ilang mga tao sa loob ng isang sasakyan na bumabagtas sa nasabing mapanganib na daanan.






error: Content is protected !!