Maymay Entrata bilang si Miss Universe 2018 Catriona Gray labis na hinangaan ng publiko sa angkin nitong kagandahan!



Walang duda na kopyang-kopya at gayang-gaya nga ng Kapamilya actress na si Maymay Entrata ang pride ng Pilipinas na si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa bagong labas nitong teaser video ng endorsement niya sa sikat at kilalang make-up line ni Vice Ganda, ang Vice Cosmetics.



Ang nakakabigla at kamangha-manghang transpormasyon ng dalaga ay naging matagumpay dahil sa mismong make-up artist ni Catriona Gray na si Jelly Eugenio. Buong pagmamalaki ngang ibinahagi ni Maymay ang nasabing video sa kaniyang social media account na agad namang umani ng maraming mga positibong komento at mga reaksyon.


Ang “Catriona Gray look” ni Maymay ay ang pamosong hitsura ng beauty queen title holder noong nagwagi siya sa prestihiyosong patimpalak noong nakaraang taon lamang.


Ang viral video na ito ni Maymay ay talaga namang pinag-usapan dahil sa isa itong napakagandang inspirasyon para sa mga kababaihan ng pagpapalabas ng kanilang “inner beauty”. Suot-suot ni Maymay ang sikat na sikat na pulang gown ni Catriona at maging ang kaniyang signature patriotic ear cuff.


At narito nga ang naging caption ng Kapamilya young actress na si Maymay sa video na kaniyang ibinahagi sa publiko.
“Maraming salamat po @vicecosmeticsph Family dahil ako po ang pinili nyong maging modelo para ma experience ko po ang ala Ms. @catriona_gray Look gamit lamang po ang @vicecosmeticsph !!Malaking karangalan at maraming salamat po!.”



Marami namang mga netizen ang hindi makapaniwala na napakalaki nga talaga ng naging pagkakahawig niya kay Catriona. Dati nang naging usap-usapan si Maymay dahil sa siya ang kauna-unahang Pilipina na naging parte at nakalahok sa Arab Fashion Week. Siya ay mas kilala rin sa pangalang Mary Dale Entrata.

Isang 22-taong gulang na aktres, mang-aawit, modelo, endorser at host. Una na siyang nakilala nang siya ang tanghaling Big Winner ng Pinoy Big Brother Lucky 7, isang kilalang reality television show ng ABS-CBN.






error: Content is protected !!