Aktor na si Joshua Garcia nagbigay ng “encouraging words” sa aktres na si Julia Barretto sa gitna ng kontrobersya na kaniyang kinakaharap ngayon!



Nakakalungkot man isipin ngunit wala na yata talagang permanente sa mundo. Hindi habang buhay ay malungkot tayo at hindi rin naman pangmatagalan ang nararanasan nating kasiyahan sa ngayon.



Minsan nga mayroon pang mga nagsasabi na kung sunod-sunod ang iyong kasiyahan ay tiyak na susunod na rito ang kalungkutan. Gaya na lamang ng nangyari sa isa sa pinakasikat at pinakahinahangaang tambalan noon na sina Joshua Garcia at Julia Barretto na mas kilala rin sa kanilang love team na “JoshLia”.


Kamakailan nga lamang ay naging maugong na usap-usapan sa social media ang kontrobersyang kinasasangkutan nina Joshua Garcia, Julia Barretto, Gerard Anderson, at Bea Alonzo. Nagsimula ito sa mga “sweet” na larawan ng aktres na si Julia at aktor na si Gerard sa isang diumano ay “private vacation” ng dalawa sa isang isla.



Kalaunan ay nagbahagi din ng kaniyang pahayag ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto bilang pagtatanggol sa kaniyang anak. Ayon sa kaniya ay kuha ang mga larawan na iyon sa party ni Rayver Cruz kung kaya naman hindi dapat ito bigyang malisya ng publiko.



Ang ama naman ni Julia na si Dennis Padilla ay napabalitang kinausap si Gerald patungkol sa relasyon nito o intensyon sa kaniyang anak. Ayon sa isang reliable source ay sinabi ni Gerald sa batikang komedyante na hiwalay na sila ni Bea Alonzo at nililigawan na nito ang kaniyang anak.


Sa kabila ng mga kontrobersyang ito ay nagbigay ng kaniyang pahayag ang aktor na si Joshua Garcia at sinabihan ng mga “encouraging words” ang dating kasintahan.
“Malalampasan mo yan. I know you, you’re the strongest girl na nakilala ko. Takot nga ako sayo eh.” Ito ang naging pahayag ng aktor sa dati niyang kasintahan na ngayon ay itinuturing na niyang matalik na kaibigan. Sinagot naman ito ni Julia ng: “This guy knows how to find humor in everything.”




error: Content is protected !!