Mga senior citizen at mga person with disability isinusulong ng Mayor Isko Moreno na tanggapin at bigyan ng pagkakataon ng mga kilalang fastfood chain!



Lahat ng mga fast food chain sa Maynila ngayon ay hinihikayat ni Mayor Isko Moreno na tumanggap ng mga senior citizens at persons with disabilities o PWDs na nagnanais mag-apply bilang mga crew ng mga kilalang fast food chain.



Ito ay matapos ipabatid ng alkalde sa publiko nito lamang Huwebes na sinabihan na niya ang isa sa kaniyang mga opisyal na iutos na sa mga fast food chain na ito ang pagtanggap sa mga senior citizen bilang mga crew.


“Kayong mga senior, mag exercise na kayo,” ito ang naunang pahayag ng alkalde sa ginanap na paglalagda sa isang ordinansa na naglalayong magbigay ng P500 na allowance kada buwan para sa mga senior citizens at PWDs.


“Dahil si Fernan Bermejo ay inatasan ko nang tupdin yung commitment natin na tumanggap ang mga Jollibee, McDonalds, lahat ng food chains ng senior citizen including PWDs,” dagdag pa ng alkalde. Si Fernan Bermejo ang head ng Public Employment Services Office (PESO) ng lokal na pamahalaan ng Maynila.


Ayon pa kay Mayor Isko, ito ay lubos na makatutulong sa maraming mga senior citizen na nasa maayos pang kondisyon ang kalusugan at pangangatawan na kahit papaano ay kumita ng salapi nang hindi masyadong napapagod ang kanilang mga katawan.




“If Americans can do it, if Singaporeans can do it, if Japanese can do it, why not Manileños? Hintayin niyo. Ipina-cocoordinate ko na yung ating PESO tungkol dito sa instruction,” dagdag pa ni Mayor Isko.


Tunay ngang napakahalagang bagay para sa maraming mga Manileño ang hakbang na ito ng alkalde. Minsan pa ay nabibigyan sila muli ng pagkakataon na kahit papaano ay maging abala at hindi maalintana ang ilang mga problema at hamon ng buhay. Tiyak na makakatulong din ito hindi lamang sa pinansyal o mental nilang pangangailangan ngunit maging sa pisikal at sosyal din nilang pangangailangan bilang malulusog at mabubuting mamamayan ng Maynila at ng ating bansang Pilipinas.




error: Content is protected !!