Nakakabawas ng peligro ng atake sa puso ang pagkain ng iba’t-ibang uri ng mani!



Ayon sa isang pag-aaral na inilabas kamakailan lamang, ang pagkain diumano ng iba’t-ibang uri o klase ng mani ay makababawas ng tyansa ng pagkakaroon ng atake sa puso ng maraming mga tao. Ito ay ayon sa Journal of the American College of Cardiology na nagsasabing ang pagkain ng limang lingguhang servings ng walnuts, mga mani at ibang klase ng tree nuts ay may kinalaman sa 14% na pagbaba ng panganib na dulot ng sakit sa puso, at mayroon ding 20% na pagbaba ng nakamamatay na komplikasyon dahil sa pagtigas ng arteries.



Sinasabi rin dito na ang walnuts ang isa sa pinakamainam sa lahat ng uri mani na pagpipilian. Ito ay base na rin sa mahigit na 210,000 na mga kataong sumagot ng mga regular na survey na naging bahagi na rin ng 32 taon na pag-aaral.


“After looking at individual nut consumption, eating walnuts one or more times per week was associated with a 19 percent lower risk of cardiovascular d!sease and 21 percent lower risk of coronary heart d!sease,” saad pa sa report.


Ang mga tao na kumakain ng mani dalawa o higit pang beses sa isang linggo ay mayroong 13% na mas mababang tyansa ng sakit sa puso kaysa sa mga indibidwal na hindi kumakain nito. Samantalang ang mga kumakain naman ng tree nuts tulad ng almonds, cashews, chest nuts, at pistachios ay mayroong 15% na mas mababang peligro ng pagkakasakit sa puso.


“Our findings support recommendations of increasing the intake of a variety of nuts, as part of healthy dietary patterns, to reduce the risk of chronic d!sease in the general populations,” ito ay ayon sa lead author na si Marta Guasch-Ferre, research fellow sa Department of Nutrition sa Harvard T.H. Chan School of Public Health.



“Ideally, further investigations should test the effects of long-term consumption of nuts supplemented into the usual diet on hard cardiometabolic events,” ito naman ang pahayag ng accompanying editorial ni Emilio Ros, isang doktor sa Hospital Clinic sa Barcelona.




error: Content is protected !!