P100 na kapital ang ginamit ng founder ng “Mercury DrÜg” na si Mariano Que upang mapalago ang kaniyang negosyo!



Bago pa man ang World WÄr II nagtrabaho na si Mariano Que bilang isang empleyado ng botika sa Pilipinas. Nakakita siya ng oportunidad para pagsilbihan ang mga Pilipino kasabay ng pagsubok niyang pasukin ang pagnenegosyo matapos ang giyera noon.



Noong mga panahon na yun ay naglaan ng P100 si Mariano para makabili ng isang bote ng Sulfathiazole na isang uri ng in-demand na gamot noon na mahirap mabili ng maraming mga Pilipino dahil sa mahal na halaga nito.


Ang kaniyang naisip na gawin ay ibenta ito ng P1 kada isang piraso. Ang isang bote nito ay naglalaman ng higit sa 1,000 mga tableta na madalas niyang ibenta sa mga bangketa ng kalye ng Bambang sa Sta. Cruz, Maynila.


Kalaunan ay kumita ng sapat si Mariano dahilan upang makabili siya ng sarili niyang kariton na kahoy at dito ay nagdagdag pa siya ng iba’t-ibang mga gamot at produkto. Marami ang nagnais na gayahin ang kaniyang marketing strategy ngunit hindi sila naging matagumpay dahil sa napakaganda niyang reputasyon at de kalidad niyang mga gamot at produkto.


Taong 1945 naman ng ginamit niya ang kaniyang naimpok na salapi upang maitayo ang kaniyang kauna-unahang tindahan na tinawag niyang “Mercury DrÜg”. Ito ay hango sa isang Roman mythology god na isang “god of merchandise” na mayroong dala-dalang “winged-stuff caduceus isang simbilo para sa mga gamot.



Mula nga noon ay naging matagumpay na at nakilala na ng marami ang kaniyang negosyo. Nakabili na rin siya ng mga sasakyan upang makapag-deliver sa kaniyang mga kliyente. Naging 17 oras na rin ang kaniyang store hours sa isang araw, pitong beses sa isang linggo. Kalaunan ay naging 24/7 na rin ang operasyon ng kanilang mga tindahan noon pang 1952.

Tunay nga na walang imposible para sa mga taong may pangarap sa buhay at nagnanais na makatulong sa kaniyang kapwa. Kung kaya naman ang 100 piso na kapital noon ay lumago at talaga namang nakilala na ng husto ng publiko ang “Mercury DrÜg”.






error: Content is protected !!