Buntis na misis, naghanap ng ikalawang asawa para sa mister dahil sa ayaw niyang makita na hindi ito naaalagaang mabuti!



Mahirap maging isang ina at isang asawa nang magkasabay lalo kung ito ang iyong kauna-unahang karanasan. Tunay naman na marami ang makapagpapatotoo sa ganitong sitwasyon na marahil ay nararanasan din ng ilan pa sa mga kababaihang Pilipino ngayon o maging iba pang mga kababaihan sa buong mundo.



Ngunit kahit pa gaano ang hirap, sakripisyo, o pagtitiis na iyong dinaranas bilang isang ina at asawa ay tiyak naman na hindi papasok sa iyong isipan na ihanap ng isa pang asawa ang iyong kabiyak, tama ba? Marahil ay mapapakunot ang inyong mga noo ngunit mayroon talagang isang misis na ginawa ito sa kaniyang mister sa kadahilanang ayaw niya itong makita na hindi naalagaan.
Ang kakaibang pangyayari na ito ay naganap sa Shah Alam, Malaysia matapos mabuntis ni Khuzatul Atiqah.


Hindi niya maiwasang mag-alala sa kaniyang mister na si Samuel Dzul dahil sa palagi na lamang itong napapagod pagkauwi galing trabaho dahil sa kailangan pa nitong gumawa ng mga gawaing bahay at asikasuhin siya dahil sa maselan niyang pagbubuntis. Dahil dito ay naisipan niyang hanapan ng ikalawang asawa ang mister at nang sabihin niya ito sa kaniya ay napangiti na lamang ang lalaki, isang senyales na hindi siya tutol at gusto rin naman niya ang ideya.


Agad na nag-isip at naghanap ang misis ng mga maaaring maging ikalawang asawa ng kaniyang mahal na mister upang mayroon nang mag-aasikaso at mag-aalaga dito habang siya ay nagdadalang-tao. At ang napili niyang babae ay si Nur Fathonah na isang “single mom”, bagamat hindi na niya inaakala na ikakasal siyang muli ay hindi rin naman naging mahirap para sa kanila ang magkasundo at magkapalagayan ng loob. Dahil sa Muslim ang relihiyon ng mag-asawa ay maaaring magkaroon ng higit pa sa isang asawa si Samuel Dzul.



Kung kaya naman nang maging maayos ang lahat at nagkakila-kilala na silang tatlo at nagkapalagayan ng kalooban ay plinano na nila ang kasal at naging matagumpay nga ito. Sa ngayon ay inaasikaso nilang tatlo ang kanilang recording studio, at para naman kay Khuzatul Atiqah, ang ikalawang misis ng kaniyang asawa ay itinuturing na niyang matalik na kaibigan.