Categories: Viral

Larawan ng isang aso na mukha tigre, hindi kinatakutan bagkus ay kinagiliwan pa ng publiko!

Hindi maipagkakaila na tayong mga Pilipino ay mayroong malambot na puso para sa maraming mga hayop. Kung kaya naman marami sa atin ang certified animal lover. Mayroon pa ngang ilan sa ating mga kababayan ang tuluyan nang hindi kumain ng kahit ano mang uri ng hayop at iba pang mga produkto galing dito, madalas silang tawagin na mga vegetarian.

Talaga namang giliw na giliw ang marami sa mga cute na cute na hayop na nagiging parte na rin ng ating mga pamilya o di kaya naman ay nagiging isang negosyo. Kamakailan nga lamang ay kumalat sa social media ang hindi pangkaraniwan na hitsura ng isang aso. Ang kulay ng nasabing aso ay maihahalintulad sa isang tigre, kung kaya naman talagang pinagkaguluhan ito ng maraming mga netizen.


Ang nasabing mga viral na larawan ay ibinahagi ng isang Renz Degala Dariagan sa Facebook na isa pa lang seaman na bumiyahe pa-Vietnam. Narito ang nakakatuwang caption niya patungkol sa aso:

“Kung sino man may-ari ng aso na ito, please lang muntik na akong atakihin sa bangs, paki-kulong naman.”

Tunay nga namang mapapatakbo ka agad palayo kapag nakakita ka ng ganitong uri ng hayop sa daan. Bagamat walang katiyakan kung tunay ang kulay ng aso na ito ay hindi pa rin talaga maiaalis sa maraming mga tao ang matakot dito. Dahil sa alam naman ng marami sa atin na ang mga tigre na kamukha ng aso na ito ay sadyang mapanganib sa mga tao. Umani ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko. Sa ngayon ay mayroon na itong 34,000 na mga likes at reactions, 8,000 na mga komento at mahigit na 45k na mga shares.

Kung kaya naman sa susunod na kayo ay lalabas ng inyong tahanan at makakakita ng mga hindi natural na mga bagay o hayop sa paligid ay marapat lamang na ma-ingat ng husto at huwag maginh komportable basta basta.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago