Nagawa pang maglaro muna ng “water gÜn” ng lalaki na ito na nagtangkang magnakaw ng bike!



Madalas na tayong nakakarinig ng mga balita patungkol sa nakawan at kung ano ano pang talamak na krimen at problema ng ating bansa. Ngunit talaga namang mapapadalawang-isip ka sa lalaki na ito na nagtangkang magnakaw ng isang bike ngunit bago pa man niya isakatuparan ang masama niyang balak ay napukaw ang kaniyang atensyon ng isang “water gÜn”! At mas minabuti muna niyang maglaro nito bago tuluyang nakawin ang bisikleta na kaniyang puntirya.



Ang nasabing insidente ay naganap sa Pines City Executive Village sa Antipolo, Rizal nito lamang July 22 at nakuhanan pa ng isang CCTV camera sa isang bahay. Ito ay nangyari sa ganap na ika-2:30 ng umaga kung saan nagpadala pa ng video sa GMA YouScoop ang may-ari ng bahay na si Ian Cy na sa noon ay wala sa kanilang tahanan dahil inihatid nito ang kanyang ina sa airport.


Makikita sa CCTV footage na dahan-dahan pa ang ginagawang pag-akyat ng kawatan sa gate upang walang anumang ingay ang marinig. Binuhat na niya ang bisikleta at tila tinitimbang-timbang ang bigat nito upang maging madali ang pagtangay niya rito. Ngunit tila pumukaw sa kaniyang atensyon ang isang bagay na hindi pa masyadong maaninag sa kamera noong una ngunit iyon pala ay isang “water gÜn”.


Nilaro muna ito ng kawatan at tila ba nagpapanggap na isa siyang pulis at ang kaniyang baril ay yaong “water gÜn” na kaniyang hawak-hawak. Ngunit mayamaya pa ay napansin niya na mayroong paparating na sasakyan sa bahay at lulan pala nito ang may-ari ng bahay na si Ian.



Agad namang kumaripas ng takbo ang kawatan bago pa man makalabas ng sasakyan si Ian at pagkalabas na pagkalabas nito ay kumuha siya ng kahoy sa gilid at saka sumigaw ng “magnanakaw!” Hindi magandang halimbawa ang ginawa ng kawatan na ito ngunit imbes na kainisan ay labis pa ngang ikinatuwa ng marami ang nasabing insidente dahil sa tila pagmamahal ng kawatan sa kaniyang “childhood memories”.




error: Content is protected !!