26-milyong halaga na suka ng balyena natagpuan ng isang lalaki sa dalampasigan!



Napakaraming mga biyaya mula sa Maykapal ang ating pinakikinabangan sa araw-araw. Mula sa ating buhay, maayos na paghinga, mabuting kalusugan, tahanan na masisilungan, pagkain sa ating hapag-kainan, ang ating trabaho, edukasyon at mga mahal sa buhay. Ngunit higit pa sa mga biyaya na ito ay ang mga likas na yamang tubig at lupa kasama ng maraming mga kapakinabangan natin dito. Maging ang maraming mga halaman at hayop sa ating kapaligiran.



Kamakailan nga lamang ay nagulantang ang marami nang ang lalaki na ito mula sa Thailand na nakilala bilang si Boonyos Tala-upara ay nakatagpo ng isang malagkit na bagay sa dalampasigan ng isla ng Koh Samui. Ang kakaibang bagay na yaon ay mayroong bigat na 22 lbs na dinala niya sa kanilang bahay at itinambak sa kanilang garahe.


Isang kaibigan niya ang nakakita nito at laking gulat niya na makakakita pa siya ng ganitong uri ng bagay. Ang inaakalang simpleng bagay lamang ay isa pa lang “ambergris” o suka ng balyena. Ang itinago niya suka ng balyena ay nagkakahalaga pala ng 26 milyong piso!






Ang bagay pala na ito ang isa sa pinakapambihirang bagay sa karagatan. Ito ay kilala rin sa tawag na gintong lumulutang. Ang ambergris pala na nasa kaniyang pangangalaga ay isang malaking bagay na tila isang kandila at kulay ginto. Inihalintulad niya ito sa isang kandila dahil sa tila isa itong wax na natutunaw at nagiging mantika kapag sinunog ngunit makalipas ang ilang oras ay babalik din naman sa dati.




Ayon sa Vice Chancellor ng Faculty of Fisheries sa Kasetsart Universityna si Thon Thamrongnawasawat, ang ambergris ay isang mahal na bagay dahil sa kadalasan itong ginagamit sa mga pabango at iba pang cosmetic products at maging sa ilang pagkain noong unang panahon.



Nais itong ibenta ni Boonyos dahil sa nagbabalak na rin siyang magretiro at ang kaniyang mapagbebentahan ay magiging napakalaking tulong para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.




error: Content is protected !!