Ang masipag na ama na ito ay nag-ipon ng mga barya araw-araw upang maibili ng smartphone ang kaniyang anak!



Ang mga magulang ay biyaya mula sa Panginoon. Kahit ano ay kayang isakripisyo ng mga magulang para sa kanilang mga mahal na anak. Dahil sa katunayan ay kayang isakripisyo ng mga magulang ang kanilang sariling kapakanan at kaligayahan para lamang makapaglagay ng ngiti sa kanilang mga mukha. Ito nga ang ginawa ng isang mahirap ngunit pursigidong ama.



Isang Siakap Keli ang nagbahagi ng kwento ng isang ama na ito na binilhan ng isang cellphone ang kaniyang anak gamit lamang ang mga baryang piso na kaniyang inipon. Kumalat nga sa social media ang larawan ng ama habang nagbibilang siya ng mga baryang pinangbayad niya ng cellphone ng anak. Nagbahagi ng isang larawan ng lalaki si hashtag Mccoy de Leon na abalang nag-aayos ng mga barya sa isang counter ng tindahan ng telepono. Nakasaad sa kaniyang caption na sana ay makilala niya ang ama sa larawan dahil sa sobrang naantig nito ang kaniyang puso. Sa kasalukuyan ay mayroon nang higit sa 55,000 na likes ang nasabing post at talaga namang umani ito ng maraming mga papuri mula sa maraming mga netizens.


Tunay ngang mahirap ang buhay at marami sa atin ang tiyak na sasang-ayon na sadyang sapat lamang sa pang-araw-araw na gastusin ang kinikita ng bawat isa sa ating pamilya lalo na kung tayo ay mayroong malaking pamilya. Sa kabila nga ng hirap ng buhay ay hindi pa rin ito naging hadlang upang pagsumikapan ng ama na ito na mapag-ipunan at mabilhan ng pangarap niyang smartphone ang mahal na anak.


Nakakatuwang malaman na hindi naging hadlang ang kahirapan at kasalatan sa salapi upang ipakita ng ama na ito kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang mahal na anak. At kitang-kita naman sa mga mata ng mag-ama na ito ang pagiging kuntento at masaya sa kanilang buhay. Siya at nagsilbing napakagandang halimbawa para sa maraming mga magulang sa ating bansa.




error: Content is protected !!