Isang anim na taong “YouTuber” kumikita ng malaki at nakabili nang sarili niyang mansyon na may limang palapag na nagkakahalaga ng P384, 589,100!



Sa panahon ngayon ang pagiging isa ng “YouTuber” ay isa sa mga oportunidad na naibibigay sa karamihan ng mga tao kung saan maaari kang kumita ng higit sa “9 to 5” job na ating nakasanayan. Ngunit siyempre nasa mga manunuod pa rin ito kung tatangkilikin ba nila o hindi ang nilalaman ng iyong mga video na nagdidikta din kung magkano ang kikitain ng isang “YouTuber”.



Ang online industry na ito ay lumalaki ng husto sa paglipas ng panahon, lalo na sa South Korea, kung saan ang “YouTube industry” ay talaga namang kilalang-kilala. Ngunit sino ng aba ang mag-aakala na ang isang anim na taong gulang na bata ay magiging matagumpay sa industriyang ito na naging dahilan upang siya ay makabili at magkaroon ng sarili niyang tahanan na nagkakahalaga lang naman ng P384, 589,100!


Ayon sa Oriental Daily, si Boram at ang kaniyang pamilya ay mayroong dalawang YouTube channel, Boram Tube Vlog na mayroong 17.6 milyon na mga subscribers at ang Boram Tube Toys Review na mayroong 13.6 milyong mga subscribers. Dahil sa isa sila sa pinakasikat na YouTube channel sa South Korea, ang mga views ng kanilang mga video ay naglalaro sa 1.5 million views hanggang 300 million na mga views.


Ayon naman sa Korea Herald, naiulat nila na ang dalawang mga channel na ito ang isa sa mayroong pinakamalaking marketing profit sa Korean YouTube. Ang mga analyst ay nakapagtala ng average monthly revenue mula sa dalawang mga channels na ito na umaabot sa $3.1 million (RM12.7 million) o tumataginting na P157,557,470.


Dahil sa anim na taong gulang pa lamang ang YouTuber na ito ay marami siyang mga audience na bata rin kagaya niya. Kadalasang mga toy reviews, kid activities at iba pang mga bagay na gustong-gusto panuorin ng mga bata ngayon. Kung ikaw ay isang bata katulad niya tiyak na magkakaroon ka din ng malaking interes na panuorin ang mga video na kaniyang ina-upload.



Dahil nga sa napakadaming viewers ng bata na si Boram hindi na nakapagtataka na nakabili sila ng mansyon na limang palapag sa halagang RM31 million o P384, 589,100 sa Cheongdam-dong, Gangnam na isa sa pinakamayamang lugar sa Seoul.




error: Content is protected !!