Matteo Guidicelli nagbahagi ng sweet message nito sa pinakamagandang babae sa kaniyang buhay!



Nagpahayag nga ng nakakakilig na mensahe si Matteo Guidicelli para sa kaniyang longtime girlfriend na si Sarah Geronimo. Sadyang napakapalad naman talaga ni Sarah sa kaniyang buhay dahil sa mayroon na siyang magandang karera, masayang pamilya, at higit sa lahat ay napakagwapo at matipuno na nobyo.

Sa mundo ng show business maaaring napakaraming magagandang babae ang nakapaligid kay Matteo ngunit ang kaniyang mga mata ay tila nakapako na lamang kay Sarah. Ito nga ang naging pagsasalarawan niya sa sikat na mang-aawit, “most beautiful woman to ever cross his life”, na talaga namang nagpakilig sa marami nilang mga tagasuporta at tagahanga.

Sa Instagram ay nagbahagi nga ng kaniyang mensahe ang aktor sa kaniyang minamahal para sa kaarawan nito. At isinulat niya ang: “My love, happy, happy birthday! You are the most beautiful woman to ever cross my life.”

Nagpatuloy siya sa paglalarawan ng kaniyang masayang relasyon kasama ang nobya at kung paanong patuloy itong lumalago sa paglipas ng panahon.
“We keep our relationship very private but before the day ends let me say that I love you very much. No one and nothing can stop me from loving you more and more each day. We are bulletproof together, love,” pahayag ni Matteo.


Dagdag pa ng aktor kung gaano siya kapalad at kung gaano siya nagpapasalamat na dumating si Sarah sa kaniyang buhay.
“Keep that glow in your eyes and that magical heart. You’ve touched my life in ways that I can not explain, thank you. Keep being you and shine forever! I love you! Happy birthday!”

Ipagdiriwang ng magkasintahan ang ikalimang taon nilang anibersaryo bilang magkasintahan. Nito lamang Hulyo 25 ay nagdiwang na ng ika-31 niyang kaarawan si Sarah at marami ang nagtatanong kung malapit na nga bang magpakasal ang dalawa. Ngunit nananatiling tahimik si Sarah sa ganitong mga espekulasyon. Ngunit inamin din naman niya ang kaniyang opinyon patungkol sa pag-aasawa at pagpapakasal lalo na ngayon at nasa edad na 30s na siya.

“Well, ‘yun ang dini-dictate ng society, na kapag nasa 30s ka na or malapit ka na mag-30, dapat ikakasal ka na or magkaroon ka na ng pamilya. Pero kailangan prepared ka diyan eh.”, pahayag pa ng Pop Princess.




error: Content is protected !!