Categories: NewsShowbizViral

Pia Wurtzbach nagpagawa ng napakagandang condo unit na siya mismo ang nagdisenyo!

Marami sa atin ang nagsusumikap at talaga namang nagtitiyaga upang makamit natin ang ating mga pangarap sa buhay. Hindi na nakapagtaka na mula sa ating kabataan ay nahubog na tayo upang mag-aral ng mabuti, makapagtapos sa kolehiyo, makahanap ng magandang trabaho, makapagpundar ng mga ari-arian, bahay at lupa, at sasakyan, at magkaroon ng sariling pamilya.

Kamakailan nga lamang ay nagbigay ng pasilip si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ng kaniyang naipundar na condo unit na kaniyang ipinagawa base sa sarili niyang disenyo. Taong 2018 ng nakuha niya ang property na ito at sa ngayon ay nagsisimula na siyang maglipat ng kaniyang mga gamit. Nais niya ring ipakita sa kaniyang mga tagahanga at taga-suporta ang kaniyang condo kapag ito ay natapos nang gawin.

Ipinakita niya rin ang ilan sa mga disenyo na siya mismo ang lumikha. Ilan nga sa mga ito ay isang bedroom, dressing room, at guest room. Mid-century ang napili niyang tema sa kaniyang kauna-unahang tahanan na nagsimula ang pagkakagawa nito lamang Marso.

Talaga namang mapapansin na tutok na ang beauty queen title holder sa pagpapatayo ng kaniyang tahanan. Tiniyak din niya na siya mismo ang pumili ng mga kagamitan at dekorasyon sa kaniyang bahay na talaga namang nagrerepresenta sa kaniya.

Si Pia Angela Alonzo Wurtzbach o mas kilala ng marami bilang si Pia Wurtzbach ay 29 na taong gulang na beauty pageant titleholder, aktres, modelo, at television presenter. Siya ay kilala din ng marami sa industriya ng show business at pagmomodelo bilang si Pia Romero. Siya ay kinoronahan bilang Miss Universe 2015 noong Disyembre 20, 2015.

Nanalo na siya noon bilang Binibining Pilipinas 2015 at sa ikatlong beses nga ay napagtagumpayan na niyang maiuwi ang korona. Siya rin ay nagsisilbi bilang UNAIDS Goodwill Ambassador for Asia & the Pacific noon pang 2016. Talaga namang labis na hinangaan ang husay at galing niya sa kaniyang napiling larangan.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago