Siya pala ang napakagandang anak ng action star na si Jeric Raval af Monica Herrera!



Marami na tayong nababasa o nababalitaan na mga magagandang anak ng mga sikat na artista sa industriya ng show business. At karagdagan nga sa mahabang listahan na ito ang anak n Jeric Raval na si Janina Carly Herrera.



Sa tuwing maririnig natin ang pangalang Jeric Raval, talaga namang hindi natin maiwasang balikan ang mga panahon ng kaniyang kasikatan at kabataan maging ang kaniyang mga nagawang pelikula bilang isang action star. Noong kaniyang kapanahunan, isa si Jeric Raval sa mga in-demand na action star dahil sa tila natural na “bad boy” na itsura nito at sa husay nito sa pag-arte at kagilagilalas na mga stunts.


Sa pagkakaroon ng “bad boy” image na ito ay kasabay din naman ng mahabang pila ng mga kababaihan na humahanga at nagmamahal sa kanila. At ngayon nga ay muli na namang nagbukas ang pintuan ng show business para sa mahusay na aktor na ito na animo’y hindi yata tumatanda. Kasabay nito ay ang pagbabahagi niya ng kaunti sa kaniyang personal na buhay na kung saan ay nagkaroon di umano siya walong mga anak sa iba’t-ibang mga babae. Mayroon siyang tatlong anak kay Monica Herrera at lima naman sa kaniyang kasalukuyang kinakasama.


Si Janina Carly Herrera ay ang anak ni Jeric Raval sa dating aktres na si Monica Herrera. Dahil sa lumaking maganda at kaakit-akit ang kaniyang anak madalas napagkakamalan itong nobya niya. Ngunit agad agad naman niya itong nililinaw at sinasabi sa mga tao na anak niya ang kaniyang kasama lalo na sa mga social gatherings.


Dahil nga si Monica at Jeric ay isa sa pinakahinahangaan at pinakamahusay na aktor at aktres ng kanilang henerasyon ay hindi rin naman nagdalawang-isip ang anak nilang si Janina na pasukin ito at talaga namang kinakikitaan siya n potensyal dahil sa angkin niyang kahusayan at kagandahan. Si Janina ay isang musikero at mahusay na mang-aawit kung kaya naman hindi na nakapagtataka na magkaroon siya ng kontrata sa Viva Artist Agency.



Bukod sa pagmamahal sa musika, paggawa ng mga kanta at iba pang awitin ay marunong din siyang gumawa ng mga fashion sketches. Bukod sa mala-anghel nitong kagandahan ay mahilig pala siyang maglaro ng skateboard at isa din palang certified na rocker.




error: Content is protected !!