Derek Ramsay nagpasalamat kay Andrea Torres dahil sinamahan siya nito sa kaniyang “Frisbee Competition” sa China!



Bawat tao ay may kani-kaniyang mga talento, interes at hilig. Ito ang mga bagay na nakapagpapasaya at kalimitang nakapag-aalis ng ating mga stress sa araw-araw nating pamumuhay. Hindi din lingid sa ating kaalaman na ang mga hilig nating ito ang naghuhubog sa atin upang maging pinakamainam na bersyon ng ating mga sarili.



Nagpasalamat ang aktor na si Derek Ramsay sa kaniyang social media account sa kaniyang kapareha at leading lady sa “The Better Woman” na si Andrea Torres dahil sa suporta niya rito sa kaniyang kompetisyon sa China.


Nagtungo ng China si Andre upang suportahan ang aktor na si Derek sa semi-final round ng World Flying Disk Federation 2019 Asia Oceanic Ultimate & Guts Championship sa Shanghai, China. Kaugnay nito ay ang pagbabahagi ni Andrea ng ilang mga larawan at video clips ni Derek habang naglalaro sa field, dagdag pa ng aktres na talaga namang napapamangha siya sa aktor.


Umani ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa mga netizens. Marami din ang nagsasabi na tila mayroon nang espesyal na namamagitan sa dalawa ngunit wala pa namang kumpirmasyon mula sa magkabilang panig. Hindi rin naman maiaalis ang pagkakaroon ng chemistry ng dalawa sa likod o harap man ng camera. Giliw na giliw ang kanilang mga tagahanga at tagasuporta sa kislap ng kanilang mga mata sa mga nasabing viral na larawan at ang kanilang kasiyahan habang magkasama sila sa China.


Mayroon man silang espesyal na relasyon o wala, nakakatuwa pa ring malaman na mayroon pa ring mga tao na nakapaligid sa atin ang hindi nahihiya at hindi nagsasawa na ipakita ang kanilang pagsuporta at pagmamahal sa atin. Tunay ngang hindi ito matatawaran ng kahit ano pa mang mga materyal na bagay o kahit gaano kalaking halaga ng salapi.



Kung kaya naman kung mayroon tayong ganitong mga tao sa ating buhay ay nararapat lamang na pag-ingatan at mahalin natin sila ng buong puso dahil hindi araw-araw ay makakatagpo ka ng mga ganitong uri ng tao.

 

View this post on Instagram

 

EXTREMELY proud (and in awe) of you. @ramsayderek07

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres) on




error: Content is protected !!