Ayaw pumayag ni Kathryn Bernardo na makapareha ni Daniel Padilla si Julia Barretto!



Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo ay mas kilala ng marami bilang si Kathryn Bernardo na isang 23 taong gulang na aktres, modelo, endorser, at recording artist mula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. Nagsimula ang kaniyang karera sa pag-arte noong 2003. Una siyang napanuod noon bilang batang “Cielo” sa palabas ng ABS-CBN na “It Might Be You”. Taong 2006 naman ng nagkaroon siya ng pagkakataon na mabigyan ng kauna-unahang niyang main role sa telebisyon sa palabas na “Super Inggo”. Gumanap siya rito bilang “Maya” ang love interest ng bidang karakter.



Kamakailan nga lamang ay ikinatuwa ng marami ang pagiging matapat niya sa pagsagot sa mga tanong ng batikang host na si Boy Abunda ng siya ay makapanayam nito sa programang “Tonight With Boy Abunda”. Tinanong siya dito kung payag ba siyang magkaroon na din ng ibang kapareha ang kaniyang nobyo at on-screen partner na si Daniel Padilla. Sa nasabing tanong ay sasabihin niya ang salitang “Hello” kung siya ay pumapayag sa tambalan at “Good bye” naman kung hindi siya sumasang-ayon.


Ilan sa mga sinagot niya ng “Goodbye” ay ang mga aktres na sina Janella Salvador, Nadine Lustre, at Julia Barretto. Ayon sa kaniya ay masyadong bata si Janella para kay Daniel habang hindi naman na kailangan pa ni Nadine ng bagong kapareha dahil sa talaga namang matagumpay na siya bilang isang artista at kapareha ni James Reid sa harap at sa likod ng kapareha.


Tila hindi rin naman siya sang-ayon sa pagtatambal kung sakali ni Julia at Daniel dahil sa diumano ay masyado na ring bata si Julia para kay Daniel dahil sa pang-lolo na diumano ang kaniyang mga nagiging role.


Samantala ay sang-ayon naman siya sa tambalang Kim Chiu at Daniel lalo na kung romantic comedy ang kanilang gagawin. Habang tila sabik na sabik naman siyang masaksihan ang tambalang Maymay Entrata at Daniel dahil sa napa-two thumbs up pa siya. Maging kay Miss Universe 2015, Pia Wurtzbach ay sang-ayon din siya at sumagot ng “Hello” lalo na kung pasok naman sa tangkad si Daniel para kay Pia. Ganun din naman kay Maine Mendoza na maaaring maging weird sa umpisa dahil sa tila nagkapalit sila ng kani-kaniyang kapareha ngunit wala din naman daw magiging problema kung papayagan ito ng magkabilang network.






error: Content is protected !!