Kuya Bodjie, inspirasyon ng marami ngayon dahil sa edad na 64 ay naikasal siya sa kaniyang matalik na kaibigan!



Naalala pa ba ninyo si Kuya Bodjie ng “Batibot”? Kamakailan lamang ay ikinatuwa ng marami ang pagpapakasal niya sa kaniyang best friend sa edad na 64. Kahit pa nga sa edad na ito ay wala pa rin siyang anak, bakas pa rin sa kaniya ang kagalakan sa kaniyang puso at mga mata.



Marahil ay marami ang hindi pa nakakalimot sa mainstay ng programang pangbata na “Batibot”. Nakilala siya rito sa napakahusay niyang pagbigkas at pagkukuwento ng mga istoryang pangbata. Sa ngayon ay lumilikha na siya ng mga magagandang kwento niya mismo.




Sa edad na 64, pinatunayan nga niya na kung mahal mo talaga ang isang tao hindi pa huli ang lahat para magkaroon ng napakagandang buhay kasama sila. Higit pa rito ay hindi hadlang ang edad sa pagmamahalan o sa pagpapakasal ng dalawang tao. Ibinahagi nito na ikinasal siya kamakailan lamang sa kaniyang matalik na kaibigan na kaibigan na niya noon pang 1980’s. Naging “on and off” ang kanilang relasyon, nanirahan sila ng magkasama at nagdesisyon nang magpakasal.




Si Kuya Bodjie ay maaalala bilang Kuya Bodjie ng programang “Batibot” na talaga namang minahal at minamahal pa rin ng marami. Ngunit pagbubunyag ng mahusay, talentado at batikang personalidad na ito ay minsan ninanais niya rin na huwag masyadong idikit ng publiko ang pangalan niya sa “Batibot” dahil tila nakakaramdam siya ng “frustration”.




Maaaring nagtataka ang marami kung bakit palagiang idinudugtong ang kaniyang pangalan sa sikat na programa ay nagiging dahilan upang siya ay mayamot ngunit naisip din naman niya na kahit kailan at kahit anuman ang mangyari, ang kaniyang pangalan ay habang buhay na nakaukit sa puso at alaala ng maraming mga Pilipino.



Sa kasalukuyan ay mayroon siyang pelikula na pinamagatang “Pan de Salawal” na talagang magpapatulo ng inyong luha. Ito ay kwento ng isang pitong taong gulang na batang babae na nakatira sa lansangan at ng isang panadero na mayroong matinding karamdaman.




error: Content is protected !!