Chito Miranda muling ipinagmalaki ang misis niyang si Neri sa publiko!



Marahil ay marami sa atin ang nakakapansin na hindi lahat ng relasyon ay naging matagumpay, mayroong mga magkasintahan pa lamang ay nagkakahiwalay na dahil sa hindi pagkakaintindihan at sa pagloloko ng iilan.



Mayroon din namang mga magkarelasyon na masaya sa umpisa nang kanilang pagmamahalan hanggang sa napagdesisyunan na nilang lumagay sa tahimik at magpakasal kung saan na nga nagsimula ang ilang mga problema na nagiging sanhi ng mga problema at paghihiwalay ng mag-asawa.

Tunay ngang hindi ganon kadaling mag-alaga ng isang relasyon o ng isang kasal. Talaga namang kakailanganin mo ng napakahabang pasensya at pang-unawa. Marapat din naman na hindi mawawala ang kilig o ang init ng pagmamahalan ng dalawang magkarelasyon o mag-asawa kahit pa maraming taon na silang nagkakasama.




Kagaya na lamang ng mag-asawa na ito na kilalang personalidad sa industriya ng show business. Si Chito Miranda na isang kilalang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar at ang misis niyang si Neri Naig na kilala ding aktres. Pinag-uusapan ngayon sa social media ang post ni Chito patungkol kay Neri dahil sa buong pagmamalaki nitong ibinahagi kung gaano siya ka-proud sa kaniyang misis. “Asawa ko ‘yan.”, post ni Chito. Nagbiro pa ito na hindi pa rin siya makapaniwala na pinatulan siya ng misis kahit pa nga hindi siya kagwapuhan.


Bukod sa pagiging aktres dati ay isa na ring matagumpay na negosyante si Neri dahil sa mayroon na itong sarili niyang restaurant, ang “Neri’s Not So Secret Garden”. Buong pagbibiro ding sinabi ni Chito na ginayuma niya lamang ang misis at diumano ay mayroon pa itong suot na isang matibay na helmet. Umani naman ito ng samu’t-saring komento at maraming mga papuri mula sa Mga netizens. Talaga nga namang hindi maipagkakaila na labis labis ang pagmamahal nila sa isa’t-isa na nagsisilbing inspirasyon sa maraming mga Pilipino. Tunay ngang isa silang magandang halimbawa ng isang masaya at kuntentong pamilya.




error: Content is protected !!