Excited na ang lahat sa pagbabalik telebisyon ng Kapamilya actress na si Liza Soberano!



Likas na sa maraming mga Pilipino ngayon ang humanga sa maraming mga sikat na personalidad at artista. Magmula sa matatatanda, kabataan at maging sa mga lalaki o babae man na artista. Minsan pa nga ang kanilang pamumuhay, mga hilig at interes ay nagiging inspirasyon din ng marami sa atin. Kung kaya naman hindi na rin nakakapagtaka na labis tayong naaapektuhan sa mga nangyayari sa buhay at karera ng ating mga paboritong artista.



Kagaya na lamang ng aktres na si Liza Soberano. Labis siyang hinahangaan ng publiko dahil sa kaniyang mala-anghel na kagandahan, at pinong-pino na pagkilos. Sadyang nakakamangha din ang kaniyang pagiging mahinhin at pagiging Pilipinang-Pilipina sa pagsasalita at kilos nito. Sadyang napaka-talentado niya din at napakagaling umarte. Hindi na nga kataka-taka na marami na siyang mga parangal na natatanggap noon pa man.




Kamakailan lamang ay naging maugong ang kaniyang pangalan dahil sa kaniyang pagbitaw sa proyekto ng Darna. Ito ay dahil sa natamo niyang injÜry sa kaniyang programa noon sa ABS-CBN na “Bagani”. Nagtamo siya rito ng finger injÜry dahilan upang hindi na niya maigalaw o maikilos pa ang kaniyang daliri kagaya ng dati na talaga namang magiging isang problema sa kaniyang pagganap bilang si Darna. Naging emosyonal man ang kaniyang pagbibitiw sa nasabing proyekto ay naging suportado pa rin siya ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta.




At ngayon nga ay nagbabalik bansa na ang aktres mula sa ibang bansa dahil sa pagpapa-opera nito at pagpapagaling ng kaniyang daliri, marami na ang nananabik sa kaniyang mga nakalinyang proyekto, pelikula man o telebisyon. Maging sa ilang mga endorsements na naudlot dahil sa nasabing insidente ay talaga namang sobrang excited na ang marami. Hindi rin naman magkamayaw ang kaniyang mga tagahanga at taga-suporta para sa pagbabalik ng isa sa pinakamagandang mukha sa industriya ng show business at kani-kaniya na silang komento at mensahe sa social media.







error: Content is protected !!