Napakagandang “penmanship” ng isang guro sa pisara labis na hinangaan ng marami sa social media!



Bata pa lamang tayo ay nagtiyaga at nagsumikap na ang ating mga magulang upang turuan tayong magsulat ng maayos lalo na ng ating mga pangalan. Kahit pa nga hindi maayos at medyo panget pa tayong magsulat noon ay pilit tayong hinasa ng ating mga magulang upang matuto at mahasa sa pagsusulat.



Nakakatuwang malaman ngunit tiyak na marami ang nakaka-relate sa atin lalo na sa paraan ng pagsusulat. Mayroong mga pinalad na magkaroon ng magandang “penmanship” hanggang sa pagtanda nila ngunit mayroon din namang mga tao na hindi masyadong pinalad na magkaroon ng maayos, malinaw at magandang “penmanship”.

Kagaya na lamang ng guro na ito usap-usapa ngayon sa social media. Labis itong hinangaan ng marami dahil nga naman sa kahanga-hanga at napakaganda nitong pagsulat sa pisara. Ito ay ibinahagi sa isang Facebook page na “Rant” noong ika-22 ng Hulyo ayon na rin sa petsang nakasaad sa nasabing viral na larawan.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizen:
“How I wish I have this kind of handwriting!”



“Sana kahit isang araw man lang gumanda nang ganito ang penmanship ko.”, “Yung teacher mong naglelecture lang pero mukhang kasali sa slogan contest yung penmanship.”, “Napansin ko lang, ano kayang subject ang tinuturo ni Ma’am, English or Filipino?”, “Filipino Teacher po ba siya? Kung ganun, dapat purong Filipino dapat ang sentence niya. Pero ganda nga ng hand writing niya.”


“This is somehow ironic, the instructions are in English language but the test itself was written in Filipino language.”. Bagamat marami sa mga netizen na ito ay tila naguluhan kung anong asignatura ang kaniyang itinuturo dahil sa mayroong Ingles na direksyon ang kaniyang sulat sa pisara at ang mga tanong naman dito ay Tagalog. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring pagkakakilanlan ang nasabing guro, maging ang pangalan ng paaralan kung saan siya nagtuturo.




error: Content is protected !!