Solenn Heussaff naniniwala na ang edad na 30 ay bata pa para magkaanak!



Nakasanayan na nga ng marami sa atin ang humusga at magbigay ng komento sa mga bagay bagay kahit pa nga ba hindi naman mahalaga ang komentong ating binibitiwan o madalas nga ay nakakasira pa ng imahe ng isang tao, lugar, o pangyayari. Marahil ay naging komportable na tayo o di kaya naman ay naging masyado na talagang matatabil ang ating mga dila lalo na sa pagsasalarawan ng pisikal na anyo ng isang tao o di kaya naman ay ang pagbatikos sa kaniyang pinaniniwalaan.



Kagaya na lamang marahil ng pahayag ng sikat na personalidad at Kapuso actress na si Solenn Heussaff. Mayroong nagtanong sa kaniya kung bakit sa edad na 34-anyos ay hindi pa rin siya nagkakaanak. Agad naman itong pinabulaan ni Solenn at sinabing:


“People are just really starting their career at this age. Kaya I didn’t just rush it. I also enjoyed my wedding, I enjoyed being with my husband at home. I enjoyed being on my own without him, travelling with my friends.”



Kahit pa nasa tatlong taon na ang kanilang pagsasama ng businessman, modelo, at social media influencer na si Nico Bolzico ay talaga namang tila nasa “honeymoon” stage pa rin sila. Ayon pa sa kaniya, hindi naman dapat minamadali ang pagkakaroon ng anak dahil nararapat lamang na maging handa ang isang babae sa lahat ng aspeto at maging responsable kung talagang nais at handa na siyang magkaroon ng anak.


Sa kabila nito ay handa na rin daw siyang magkaroon ng supling kung ibibigay na ito sa kanilang mag-asawa. Ngunit hanggang wala pa ang biyayang ito sa kanila ay talaga namang pagbubutihan muna niya ang kaniyang karera sa showbiz. Siya ay hindi lamang hinahangaan sa angkin niyang kagandahan, at mga talento kundi dahil na rin sa pagiging versatile actress niya. Talaga namang marami ang humahanga at nagmamahal kay Solenn at sa kaniyang mister na si Nico. Hindi na makapaghintay ang publiko upang makita ang magiging kombinasyon ng dalawang mag-asawa.




error: Content is protected !!