Isinugod sa ospital ang binata na ito dahil sa labis na paglalaro ng “Mobile Legend”



Hindi na nga bago sa atin ang makarinig ng mga balita patungkol sa mga masasamang epekto ng labis na paggamit ng gadget sa panahon ngayon. Nakakalungkot man isipin ngunit sadyang hindi na nga yata talaga natin maiaalis ang konsepto ng mga gadget magmula sa pinakabatang edad hanggang sa pinakamatanda.



Kailan lamang ay marami ang nakasaksi sa post na ito ng isang netizen patungkol sa isang binata na isinugod nila sa ospital dahil sa labis na paglalaro nito ng mobile games! Ayon sa post ni Joel Villota, bumigay ang katawan ng binata kung kaya naman agad nila itong isinugod sa Lucena United Doctors Hospital and Medical Center dahil na rin sa matinding puyat sa paglalaro ng sikat na mobile game, ang “Mobile Legend”.


Hindi man nabanggit ng uploader ang kaniyang relasyon sa binatang nasa larawan ay nagbigay naman ito ng matinding pangaral para dito at kaniyang sinabi na:
“Malimit darating ako madaling araw, gising ka pa, hawak ang phone. Ang payat mo na kapupuyat. Matuto makinig kung ano ang tama. Tapos kami rin papahirapan niyo sa gastos. Sa mga barkada mo na lagi mo tinatambayan ‘di mo naman maasahan iyan.”


Taekwondo player ang binata ngunit dahil sa kawalan ng disiplina sa katawan, pagpupuyat at labis na paglalaro ng mobile games ay napabayaan na nito ang kaniyang pagiging Taekwondo player at maging ang kaniyang pag-aaral. Siya rin ay napabarkada ayon na rin kay Joel.


Tunay nga na walang magandang maidudulot ang pagiging pabaya at walang disiplina sa sarili. Hindi dapat natin kalimutan ang kahalagahan at importansiya ng ating katawan at kalusugan dahil wala rin namang ibang mag-aalaga at kakalinga sa ating katawan kundi tayo lang din naman para na rin sa ating pamilya at mahal sa buhay.



Ang pangyayari sana na ito ay maging isang aral at leksyon para sa maraming mga tao na nagpapabaya sa kanilang mga sarili lalong lalo na sa mga kabataan na mas marapat pinagtutuunan ng pansin ang pag-aaral at pagtulong sa kanilang pamilya.




error: Content is protected !!