Kilalanin si Xia Vigor ang napakacute na bata na kasamang gaganap ni Aga Muchlach sa remake ng Korean hit movie na “Miracle in Cell No. 7”



Tiyak na marami sa ating mga Pilipino ang nakapanuod sa “Miracle in Cell No. 7” na isang Korean hit movie noong 2013. Talaga namang marami ang naantig at umiyak sa nakakamanghang kwento nito. Kamakailan lamang ay naipakilala na nga mga gaganap sa kapana-panabik na pelikulang ito. At isa na rito ang napakacute at napakatalentadong bata na si Xiamara Sophia Bernardo Vigor o mas kilala bilang si Xia Vigor.



Siya ang mini Selena Gomez ng Pilipinas na naging first winner ng segment ng It’s Showtime na “Mini Me 2” noong 2015. Taong 2017 naman nang siya ay makilala sa kaniyang pagsali sa Your Face Sounds Familiar Kids at ang kaniyang nakakamanghang pagganap sa sikat na mang-aawit at performer na si Taylor Swift. Binansagan din siya bilang “Tiny Taylor Swift” ng publiko.


At ngayon nga ay gaganap ang 10 taong gulang na si Xia kasama ang beteranong aktor na si Aga Muchlach at Bella Padilla sa remake ng “Miracle in Cell No. 7”. At talaga namang hindi maitatago ang excitement sa larawan na ibinahagi ng aktor. Marami din namang mga netizen ang hindi maitatanggi na sabik na ding mapanuod muli ang isa sa pinakamagandang Korean movie na kanilang napanuod.


Nito lamang Miyerkules, Hulyo 31 ng ibahagi ng batikang aktor na si Aga Muchlach ang patungkol sa kaniyang diumano ay “leading lady” na si Xia Vigor. Nitong nakaraang buwan lamang ay isinapubliko ng Viva Artist Agency na si Nadine ang gaganap bilang nakatatandang Ye-seung ngunit kalaunan ay nagback out din ang aktres dahil sa kaniyang “medical concerns” na pinalitan ng aktres na si Bella Padilla.


Ang pelikulang ito ay isang sa mga entry sa gaganaping ika-45 taon ng Metro Manila Film Festival. Ilan pa sa mga makakasama nina Aga Muchlach, Bella Padilla, at Xia Vigor sa nasabing pelikula ay sina Arjo Atayde, JC Santos at Joel Torre.






error: Content is protected !!