Mga larawan ng isang pagod na seaman sa kaniyang trabaho, pumukaw sa atensyon ng maraming mga Pilipino!



Marami sa ating mga Pilipino ang mayroong kamag-anak o kapamilyang nagtatrabaho sa ibang bansa o tinatawag din ng marami bilang mga Overseas Filipino Workers. Tila nakasanayan na nga ng marami sa atin ang magkaroon ng kaisipan na ang mga OFW na ito ay mayroong maraming pera o malaking halaga ng salapi sa ibang bansa. Lingid sa ating kaalaman na ang mga ito ay nagtitiis at nagsasakripisyo para sa kanilang mga mahal sa buhay. Kadalasan nga ay tila nakakaligtaan ito ng marami sa atin na kung makahingi na lamang ng pera, tsokolate, sapatos, damit, pabango at iba pang mga pasalubong ay ganun ganun na lamang.

Kamakailan nga lamang ay usap-usapan ang mga larawan na ibinahagi ng isang misis sa kaniyang social media account. Sa nasabing mga larawan ay talaga namang makikita ang kaniyang mister na isang seaman na pagod na pagod at sandaling namamahinga bago muling sumabak sa kaniyang trabaho. Ibinahagi ito ng netizen na nakilala bilang si Ticong-nicolas Jimma sa Facebook na misis din pala ng seaman sa larawan. Nagpahayag din siya ng kaniyang saloobin patungkol sa mga Pilipino na mayroong kapamilya o kamag-anak na OFW.

Ikinuwento ng misis na nakuhanan niya ng larawan ang kaniyang asawa habang namamahinga at naghihintay ng muli nitong pagsabak sa trabaho bandang alas-tres ng madaling araw habang siya ay nasa barko patungo ng Singapore.
Talaga namang umantig at kumurot ang mga larawan na ito sa puso ng maraming mga Pilipino. Marahil ay marami sa atin ang nag-aakala na madali lamang ang buhay ng mga kababayan nating OFW ngunit sa kabila pala ng kanilang mga matatamis na ngiti sa bawat video call sa isa’t-isa ay ang pangungulila, pagsusumikap, pagtitiyaga at pagtitiis para lamang sa magandang kinabukasan ng naiwan niyang mahal sa buhay at pamilya dito sa Pilipinas. Dagdag pa ng uploader ay marapat lamang na mas alagaan ng mga misis ang kanilang mga asawa lalo na kung sila ay namamahinga dito sa Pinas kaysa bungangaan sila at piliting magtrabaho kaagad.




error: Content is protected !!