Sugar Mercado ibinunyag na ang rason kung bakit hindi na siya napapanood sa “Wowowin” kasabay ng pagdating ni “Hipon Girl” sa show!



Nagsimula ang karera ng Kapuso dancer at host na si Sugar Mercado nang siya ay maging miyembro ng all-girl dance group na Sexbomb Dancers na nakilala at sumikat noon sa Eat Bulaga. Matapos nito ay nabigyan din siya ng pagkakataon na mapasama sa ilang mga programa sa GMA at ang pinakabago nga dito ay ang pagiging co-host niya sa programa ni Willie Revillame na “Wowowin”.



At ngayon nga na halos higit tatlong linggo na siyang hindi nakikita at napapanuod sa programa ay nagkaroon ng bali-balita na siya ay nag-resign na nga o tinanggal sa nasabing palabas. Dagdag pa rito ay hindi na namataan ng publiko si Sugar sa Singapore trip ni Willie kasama ang mga host at production staff ng Wowowin para sa pagpirma sa bagong mobile app nito na “Wil To Play”.


Nito lamang ika-31 ng Hulyo ng ang 32 taong gulang na Kapuso dancer at host at dumalo sa launching ng bagong make-up line ni Ara Mina na Ara Colours sa Luxent Hotel sa Quezon City. Dumalo room si Sugar upang suportahan ang kaniyang kaibigan na si Ara Mina na bukod sa pagiging mahusay na aktres ay isa na ring matagumpay na businesswoman.


Sa kaniyang panayam sa “pikapika.ph” ay inamin niya na ang dahilan ng kaniyang pag-alis sa programang Wowowin ay ang kaniyang mga anak. Ayon sa kaniya ay nagpahinga muna siya dahil sa tatlong taon na rin siya sa programa at lumalaki na rin ang kaniyang dalawang anak kung kaya minabuti na muna niyang paglaan ng buo niyang oras at atensyon ang kaniyang mga anak. Sa ngayon ay mayroon naman siyang maliit na negosyo at mayroon din siyang online shop upang masuportahan pa rin ang kaniyang mga anak pati na rin ang gastusin nila sa bahay.


Nilinaw din naman niya na maayos ang kaniyang pagpapaalam kay Willie at pinayagan naman siya nito. Labis din siyang nagpapasalamat sa mga taong nakapansin sa kaniyang husay sa paghohost at sinabing maaari pa rin naman siyang magkaroon ng guest appearance sa programa paminsan-minsan.






error: Content is protected !!