Ang dating Kapuso actress na si Lexi Fernandez graduate na sa kolehiyo!



Ang dating Kapuso actress na si Lexi Fernandez ay ganap na ngang degree holder dahil sa kaniyang naganap na graduation kamakailan lamang. Siya ay kumuha ng kursong Bachelor of Science in Child Development and Education degree sa University of Asia and the Pacific.



Ang kaniyang graduation ceremony ay ginanap nito lamang ika-3 ng Agosto sa Philippine International Convention Center. Proud na proud naman ang kaniyang ina na si Maritoni Fernandez at nagbahagi din ito ng larawan ng kaniyang anak na si Lexi habang siya ay nakasuot ng kaniyang toga. Nagbahagi din naman ang ina ng larawan ng diploma ng kaniyang panganay at ayon pa sa kaniya ay nagbabalak kumuha ng Master’s Degree si Lexi.


Dumalo din naman sa espesyal na araw na iyon ang kaniyang ama na si Alex Alvarez, nagkaroon pa nga sila ng isang masayang family photo. Ang dating aktres na si Lexi ay nagbahagi din ng kaniyang graduation photo kasama ang kaniyang mga magulang ay inilarawan niya ito bilang isang “extremely rare” na karanasan para sa kaniya dahil sa magkasama ang kaniyang ama at ina sa iisang larawan lamang.


Maging ang nobyo ni Lexi na nakilala ng mga netizens bilang si Paolo ay naroon din bilang pagsuporta sa kaniyang nobya.Maging ilang mga kilalang personalidad sa show business gaya na lamang nina Sarah Lahbati, Kylie Padilla, at Aljur Abrenica ay nagpahatid din ng pagbati sa dalaga para sa kaniyang pagtatapos sa kolehiyo.


Taong 2010 nang pumasok sa industriya ng show business si Lexi kung saan napabilang siya sa mga cast ng youth-oriented show na “Tween Hearts” ng GMA network ngunit iniwanan niya rin ang show business taong 2013. Napabalita naman noon ang isang post ng dalaga patungkol sa depre$$ion at anxiety na kaniyang pinagdaanan sa halos tatlong taon niyang pag-aartista. Nagkaroon siya noon ng matinding asthma attack habang ginagawa ang kaniyang teleserye na “Kakambal ni Eliana” taong 2013 kung kaya naman napagdesiyunan na niyang magpahinga mula sa pag-aartista at magpokus na lamang sa kaniyang pag-aaral.






error: Content is protected !!