Ito pala ang napakagandang pamilya ng sikat na host na si Pia Guanio!



Isa sa pinakahinahangaang host ng henerasyon natin ngayon ay si Pia Guanio. Siya ay kilala din bilang si Liana Pia Coronado Guanio-Mago ng kaniyang pamilya at malalapit na mga kaibigan. Siya ay 44 na taong gulang na aktres at television presenter. Siya ay dati ding head anchor ng entertainment program na “Showbiz Central”. Isa din siyang shobiz segment anchor noon sa “24 oras” ng GMA network at isa din sa mga co-host ng “longest-running noontime show” na Eat Bulaga.



Lingid sa kaalaman ng marami ay nagsimula siya bilang isang traffic reporter sa CALTEX RoadWatch noong 1999. Napukaw niya ang atensyon ng travelogue channel na Lakbay TV at doon na nga nagsimula ang kaniyang pag-asenso sa kaniyang karera. Matapos nito ay naging bahagi din siya ng morning show na “Alas Singko Y Medya” ng ABS-CBN. Nagkaroon siya ng “biggest break” noon sa kaniyang larangan ng lumipat siya sa GMA network taong 2004 kung saan naging regular host na siya ng Eat Bulaga at naging showbiz newscaster sa “Chika Minute” ng “24 oras” at Sunday talk show program na “S-Files”.


Siya ay ikinasal kay Steeve Mago na isang businessman noong Oktubre 2011. Isinilang niya ang panganay nila na si Scarlet Jenine noong Agosto 2012 at ang kaniyang ikalawang anak na si Soleil Brooklyn noong May 2018. Talaga namang kinagigiliwan ngayon ng marami ang kanilang masaya at lumalaking pamilya.


Kitang kita naman sa mga Instagram post ng sikat na host ang kanilang masayang pamilya na talaga namang nagsisilbing inspirasyon para sa maraming mga pamilya. Hinahangaan din ng marami ang pagiging hands-on na nanay ni Pia kahit pa nga abala siya sa kaniyang trabaho.


Ang pamilya nga ay isa sa pinakamahalagang bagay na mayroon tayo dito sa mundo. Kung kaya marapat lamang na mahalin natin sila at hindi natin sayangin ang bawat sandali na kasama natin sila. Ang pagkakaroon ng isang masayang pamilya ay talaga namang hindi mapapantayan ng ano mang halaga ng salapi.






error: Content is protected !!