Judy Ann Santos nagpahayag ng mga simpleng kaligayahan niya bilang isang ina sa kaniyang tatlong mga cute na anak!



Sa kanilang tahanan, tunay ngang isinasantabi ng batikang aktres na si Judy Ann Santos ang kaniyang pagiging isang “superstar”. Madalas nga siyang nakikitang gumagawa ng mga gawaing bahay na kaniyang ibinabahagi sa kaniyang social media account. Ilan sa mga ito ay ang pamamalengke, pagluluto, at iba pa niyang mga trabaho sa kanilang bahay bilang misis ni Ryan Agoncillo at ina sa kaniyang mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna.



Isa nga sa mga ibinahaging post ng aktres ay ang pagtatampisaw nila sa ulan nina Yohan, Lucho at Luna. Ito ay mayroong caption na: “When it rains, we get silly and happy.” Isa naman sa kaniyang mga tagahanga ang nagkomento ng “Memories that last a lifetime.” Nito lamang ngang ika-3 ng Agosto ay nagbahagi din siya ng larawan ng kaniyang walong taong gulang na anak na si Lucho at tatlong taong gulang na anak na si Luna matapos nilang maglaro sa animo ay isang putikan. Mayroon naman itong caption na: “Pwede.. pwedeng model ngt putik!”


Umani naman ito ng maraming positibong komento at reaksyon mula sa publiko. Pinapurihan at talaga namang hinangaan ang beteranang aktres dahil sa pagpapahintulot nito sa kaniyang mga anak na ma-enjoy ang kanilang kabataan na talaga namang makakatulong din ng Malaki sa kanilang development bilang mga kabataan.


Bukod pa nga dito ay hinahayaan din ng mag-asawang Juday at Ryan na magkaroon ng kani-kaniyang interes sa isports ang kanilang mga anak. Sa katunayan nga ay isang “competitive swimmer” ang panganay nila na si Yohan. Samantalang si Lucho naman ay nahihilig sa football at sa pangingisda. Mahilig din namang magtampisaw sa tubig ang kanilang bunso na si Luna.


Talaga namang kamangha-mangha ang ganitong klase ng pamilya. Bagamat sila ay kilala sa industriya ng show business ay nakakamangha pa rin ang kanilang pagpapahalaga sa mabutin kalusugan at pangangatawan. Higit sa lahat ay marami din ang na-inspire sa kanilang suporta at pagmamahal sa isa’t-isa bilang isang pamilya.






error: Content is protected !!