Julia Barretto may matapang na banat para kay Bea Alonzo!



Naging mainit na usap-usapan sa online community ang di umano’y pagkakasangkot ng Kapamilya actress na si Julia Barretto sa hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo kung saan siya ay nakaranas ng maraming mga mapanirang komento at reaksyon mula sa publiko. Ngunit sa kabila nito ay nanatili siyang tahimik at mahinahon.



At ngayon nga ay nagsalita na siya patungkol sa mga kontrobersiyang kaniyang kinasasangkutan. Ayon sa pahayag ni Julia Barretto, nitong mga nagdaang linggo ay talaga namang nasukat ang kaniyang pananampalataya, pasensya, at ang kaniyang lakas. Marami din diumano siyang tiniis na masasakit na mga salita mula sa maraming tao laban sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Inamin ng aktres na labis siyang nasaktan at nanlumo dahil dito na tila nakaligtaan na rin ng marami na siya ay tao lang din at nasasaktan.


Sinaad niya sa kaniyang post na binabatikos siya dahil sa dalawang isyu: ang una ay ang diumanong pagtataksil niya sa kaniyang nobyo na si Joshua Garcia, at ang ikalawa ay ang pagiging dahilan niya ng hiwalayan ng kilalang mga personalidad sa industriya ng show business.


Paglilinaw naman ng aktres na napag-usapan at napagkasunduan niya at ng kaniyang nobyo noon na si Joshua na maghiwalay na at tuldukan ang higit sa dalawang taon nilang pagsasama, apat na buwan na ang nakalilipas. Magkasama nila itong inamin sa publiko na sila ay matalik na magkaibigan na lamang at wala ring “third party” na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Kung kaya naman anuman ang kaniyang gawin sa kaniyang pribadong buhay o buhay pag-ibig ay hindi na ito maituturing pang pagtataksil at hindi na dapat pang pakialamanan ng kahit sino.


Ipinahayag din niya na naniniwala siyang nilinaw na din ng aktor na si Gerald Anderson na hindi third party ang rason ng paghihiwalay nila ng aktres na si Bea. Bagamat ayaw na niyang madawit pa sa usapang ito ay wala na siyang ibang magagawa pa kundi sabihin na ang kaniyang saloobin.



Matapang na sinabi ng aktres na ang pagkabigo ni Bea ay dapat maging pribadong bagay na lamang sa kaniya ngunit tila naging “national concern” pa. Tunay ngang naging madali para kay Bea ang magsimula ng mga espekulasyon mula sa simpleng pagpindot niya lamang sa ilang mga larawan niya na naging batayan ng marami upang magkaroon ng matinding galit sa kaniya. At humantong pa na lahat ng bagay ay isinisi kay Julia at halos buong pamilya niya ay nakaladkad na rin sa kontrobersiya.

Sinabi din ni Julia na siya ay isang “woman with influence” at talaga namang maraming humahanga sa kaniya at sumuporta ngunit dapat sana ay ginamit niya ito upang magpalaganap ng kalakasan at grasya para sa mga kababaihan. Tinapos niya ang kaniyang pahayag sa mga matatapang na salitang: “You can play victim all you want, but I refuse to be your victim.”






error: Content is protected !!