KC Concepcion nakatanggap ng mga negatibong komento mula sa publiko dahil sa kaniyang mga “revealing” na larawan!



Si KC Concepcion o kilala din ng marami bilang si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion ay isang kilalang aktres, mang-aawit, songwriter, endorser, model, host, at dancer. Kilala rin siya bilang panganay na anak ng batikang artista na si Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Sa ngayon ay talaga namang naeenjoy ng dalaga ang kaniyang personal na buhay matapos niyang iwanan ang industriya ng show business para sa kaniyang jewelry design at entrepreneurship classes sa California. Sa kabila nito ay hindi rin maipagkakaila na miss na miss na niya ang pag-arte at ang entablado.



Ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ay madalas na nalalaman ang mga update sa buhay ni KC dahil sa kaniyang social media account. Dito niya ibinabahagi ang kaniyang mga pagbiyahe sa iba’t-ibang bansa, mga mamahalin at kakaibang mga pagkain at kamangha-manghang kultura ng ibang bayan.


Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng kaniyang larawan para sa kaniyang mga followers kung saan tila nagbibigay siya ng “flying kiss” sa kaniyang mga tagahanga. Ngunit tila pinagmulan ito ng usap-usapan ng maraming mga netizens dahil sa halos makita na nang tuluyan ang kaniyang dibdib o hinaharap. Umani ang larawan niyang ito ng napakaraming mga negatibong komento, pahayag at reaksyon mula sa maraming mga netizen.






Hindi napigilan ng ilang mga netizen ang pangaralan si KC na dapat ay hindi siya nagpapakita ng mga masyadong balat sa kaniyang social media account dahil sa siya ay anak ng isang batikang at beteranong aktres at aktor at talaga namang itinuturing na desente at kagalang-galang ang kaniyang pamilya. Marami din naman ang nagsabi na maganda at matalino naman siya kung kaya sa edad niyang 34-anyos ay hindi na dapat siya nagpapakita ng mga ganoong bagay lalo na sa social media.




Kamakailan din lamang ng nagbahagi ng tila isang misteryosong post si KC kung saan inakala ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta na hiwalay na sila ng kaniyang French boyfriend. Ito ang kaniyang post na pinag-usapan ng marami, “These are the times we single ladies probably wish we had someone by our side at home,” ito ang saad ng dating aktres.






error: Content is protected !!