Mayor Isko Moreno hinangaan ng marami dahil sa kaniyang pagmamahal sa mga nakakatandang “centenarian” na kaniyang dinalaw!



Sa dami ng mga pulitiko ngayon ay hindi na rin naman natin alam kung sino at kung ano pa ba ang ating paniniwalaan sa kanila. Mayroong mga nagsasabi ng katotohanan ngunit mayroon din namang namumuhay na lamang sa kasinungalingan. Ang ilan naman ay gumagawa ng tama at ng mas makabubuti sa kanilang nasasakupan ngunit hindi rin naman mawawala yaong mga nagnanais lamang ng benepisyo para sa kanilang pangsarili lamang.



Ngunit tila iba ang Alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno, isa lang naman siya ngayon sa mga pinakahinahangaang personalidad dahil sa naging pamamalakad sa buong ka-Maynilaan. Unang araw pa lamang niya sa kaniyang panunungkulan ay talaga namang inaksyunan na niya ang ilan sa mga pangunahing problema ng kaniyang nasasakupan.


Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ang ilan sa kaniyang mga ginawang aksyon sa Maynila. Isa na marahil dito ay ang pagsasaayos o ang “clearing operations” niya sa Divisoria. Ang dating siksikan, at makalat na Divisoria ay naging malinis at maaliwalas na dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa lokal na pamahalaan.


Sa loob nga lamang ng isang buwan ay napatunayan na ni Mayor Isko na kung kikilos ang mga taong nanunungkulan ay talaga namang may magiging magandang benepisyo ito sa maraming mga tao. Tunay nga na ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang nasasakupan at ang serbisyo niya para sa masa ay hindi matatawaran. Ngayon nga ay mayroon na namang panibagong programa ang alkalde na magiging malaking tulong para sa mga “centenarian”. Ito ang Centenarians Act of 2016, kung saan ang mga kwalipikadong indibidwal ay magkakaroon ng kani-kanilang “cash gift”.


Kung sa ilang mga lugar ay ang tao pa mismo ang kukuha rito, sa Maynila ay ipadadala mismo sa kani-kanilang tahanan ang P100,000 na tseke. Personal pa nga silang dinalaw ng alkalde at nakipagkumustahan pa sa mga centenarians at sa kanilang pamilya.






error: Content is protected !!