Bagong pag-ibig ni Madam Kilay na nagsimula lang sa isang challenge usap-usapan ngayon ng publiko!



Madalas nating naririnig sa ating mga lolo at lola ang mga kataga na hindi dapat minamadali ang pag-ibig o di kaya naman ay hindi dapat ginagawang laro ang damdamin at emosyon ng isang tao lalo na ang pag-ibig nito. Ngunit kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan sa social media ang bagong “kaibigan” ni Madam Kilay o ang sikat na personalidad at vlogger sa likod ng isang Pilipina na mayroong makakapal na kilay na madalas mong mariringgan na nagsasabi ng mga katagang “Kilay is life!”.



Talaga namang kinakiligan ng marami ang pagtatagpo ni Madam Kilay at ng bagong Amerikanong lalaki sa kaniyang buhay. Ang kanilang pagtatagpo ay nagsimula sa isang challenge kung saan hahanap si Madam Kilay ng isang lalaki na tatanggap sa kaniyang hamon na sila ay maging magkasintahan sa loob ng isang araw.


Nagsimula ang hamon nang maghanap si Madam Kilay o si Jinky Cubillan ng kaniyang mahihikayat sa book section ng isang store sa Florida, USA kung saan siya nakatira dahil sa alam niyang mahilig magbasa ang mga Amerikano. Nahihiya at kinakabahan sa simula ang Pinay vlogger ngunit nakahanap din naman siya ng tamang pagkakataon upang malapitan at makausap si Michale na namimili noon ng “manga books”.


Mayroong sasakyan ang 22 taong gulang na si Michael na isa nagtatrabaho pala sa US Air Force na nakadestino ngayon sa Florida. Agad naman silang nagtungo sa isang Mexican restaurant kung saan naganap ang una nilang date. Inamin ni Michael na single siya ngunit mayroon na siyang mga anak. Hindi rin naman nagsinungaling sa kaniyanh edad si Madam Kilay na inamin na 32 anyos na siya at maging ang tungkol sa kaniyang dating mister na si Paul Anderson.


Halatang-halata naman ang pag-eenjoy ng dalawa at humingi pa nga ng isa pang date si Michael na umamin na gusto niya ang Pinay. Talaga namang napakapalad ni Madam Kilay na makatagpo ng lalaking magmamahal at tatanggap sa kaniya.






error: Content is protected !!