Dingdong Dantes masayang ipinagdiwang ang kaniyang kaarawan kasama ang kaniyang pamilya sa Laguna!



Hindi nga natinag ng bagyo ang pagdiriwang ng “Dantes Squad” para sa kaarawan ng haligi ng kanilang tahanan na si Dingdong Dantes nito lamang weekend. Kasama nga ng sikat na aktor at host ang kaniyang buong pamilya, ang kaniyang ina na si mommy Angeline, ang kaniyang mga kapatid, ang misis niyang si Marian, at ang kanilang mga anak na sina baby Ziggy at Ate Zia. Ang kanilang selebrasyon ay idinaos nila sa “The Lake House” sa Caliraya, Laguna.



Pagkadating nila sa venue ay agad namang kinantahan ng kaniyang pamilya si Dong ng “Happy Birthday”. Hindi rin naman nakalimutan ni Dong na pasalamatan ang kaniyang pamilya at mga kaibigan sa mainit nilang pagbati sa kaniyang ika-39 na taong kaarawan. Ngunit higit sa lahat ay labis labis din ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang misis na si Marian Rivera.

Tila naging long-week celebration ang pagdiriwang ng kaarawan ng Kapuso host dahil sa nagsimula ito noong Hulyo 28 nang binyagan ang bunsong anak nila na si Baby Ziggy. Ang naging binyagan ng kanilang anak ay naging isang selebrasyon na rin ng kaniyang kaarawan.




Binigyan din siya ng isang napakaespesyal na regalo ni Marian na isang larawan niya at ng kanilang anak na si Baby Ziggy na likha ng kaibigan nilang si Mark Padernal. Nito lamang ika-2 ng Agosto ng ipagdiwang ni Dingdong ang kaniyang ika-39 taong kaarawan.




Si Dingdong Dantes ay isang aktor, television presenter, mananayaw, commercial model at film producer na sa kasalukuyan ay isang exclusive talent ng GMA network. Siya din ang founding chairman ng “YesPinoy Foundation” at siya rin ang namamahala ng sarili niyang film studio na “AgostoDos Pictures”.

December 30, 2014 nang ikinasal siya sa kaniyang longtime girlfriend na si Marian Rivera sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon, City. Ang kanilang kasal ay tinagurian ding “The Royal Wedding”. Taong April 2015 naman ng inanunsyo nila ang pagdadalang-tao ng aktres na si Marian sa kanilang panganay na si Maria Letizia. April 16, 2019 naman ng isinilang niya si Jose Sixto IV.




error: Content is protected !!