Ellen Adarna at Beauty Gonzales namasyal sa Thailand ngunit hindi kasama ang kani-kanilang mga mister!



Hindi na lingid sa kaalaman ng marami ang pagiging matalik na magkaibigan nina Ellen Adarna at Beauty Gonzales na kamakailan nga lamang ay namataan na lumipad patungong Thailand upang magbonding kasama ang kani-kanilang mga anak na sina Elias Modesto at Olivia Ines.



Kasama din nila ang kanilang kaibigan na isang “furniture maker” na nakabase sa Cebu na si Vito Selma. Ito ay naganap noong Agosto 1 kung saan nagbahagi ng ilang larawan ang Kadenang Ginto star na si Beauty Gonzales sa kanilang pamamasyal sa bansang Thailand.


Agad namang napansin ng maraming mga netizen na hindi kasama nina Beauty at Ellen ang kani-kanilang nobyo at mister. Si Beauty ay 28 taong gulang na aktres na kasal sa kaniyang “art curator” na si Norman Crisologo samantalang si Ellen Adarna naman ang kasintahan ng aktor na si John Lloyd Cruz na nasangkot din sa ilang mga kotrobersya patungkol sa “indefinite leave” nilang dalawa sa show business nito lamang 2017 bago pa man maisilang ang kanilang anak na si Elias Modesto.


“Traveling with Olivia alone with no help for the first time literally just me and her and my friends!! This will be an interesting trip.”, ito naman ang nakakatuwang caption ni Beauty sa kaniyang mga ibinahaging larawan kung saan mapapansin sa kaniyang mga salita na hindi nga niya kasama ang kaniyang mister. Mayroon din silang nakakatuwang pagsakay sa “tuk-tuk” o ang isa sa mga popular na transportasyon sa Thailand.



Maging ang ilang mga masasarap na Thai dishes ay hindi rin nila pinalampas. Talaga namang masayang-masaya sina Beauty at Ellen kasama ang kanilang mga anak at ilang kaibigan sa pamamasyal nilang ito.


Isang napakagandang inspirasyon para sa marami ang mga larawang ibinahagi ng Kapamilya actress. Tunay ngang masarap makasama ang iyong mga kaibigan sa panahon ng pamamasyal ngunit dahil pareho na rin silang may mga anak ay hindi sila nagdalawang-isip na isama ang mga ito sa kanilang pamamahinga at pamamasyal sa ibang bansa.




error: Content is protected !!