Isang babae ang humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo matapos siyang yayain sa motel ng kaniyang dating kinakasama kapalit ng sustento nito sa kanilang anak!



Mayroon silang apat na taong gulang na anak ngunit ang dating kinakasama ng babae na ito ay niyayaya muna siyang magmotel bago pa man ibigay ng ama ang sustento nito para sa kanilang anak! Kung kaya naman napagdesisyunan ng single mom na ito na humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo.



Siya ay nakilala bilang si Ruby Rose Allosa, isang 25 taong gulang na single mom mula sa Pasay City. Inirereklamo niya ang kaniyang dating kinakasama na si Emerson Aragon na isang Sales Clerk sa SM MOA (Mall of Asia) na mula pa sa Tarlac City. Ayon kay Ruby Rose ay mayroon na ilang kasunduan ni Emerson na magbibigay ito ng sustento para sa kanilang anak tuwing ika-15 araw ng buwan simula Agosto 2017. Ilang beses lamang ito nagbigay ng gatas at pagkain para sa kanilang anak sa halip na cash.


Nagdiwang na nga ng ika-apat na taon niyang kaarawan ang anak nina Emerson at Ruby Rose ngunit hindi pa rin ito nagbibigay ng sustento para sa anak hanggang hindi siya pumapayag na sumama dito sa isang motel. Matapos mag-viral ng kwento ni Ruby Rose sa dating kinakasama ay mayroon pang isang babae na nagpakilala na mayroon ding katulad na sitwasyon ni Ruby Rose at ng kaniyang anak. Siya ay nakilala bilang si Richselle Alberto na mayroong 5 buwang gulang na sanggol na diumano ay anak din ni Emerson. Ngunit iginigiit ng lalaki na hindi niya ito anak.


Inamin naman ng lalaki na mayroon na siyang apat na anak at ikalima ang kay Richselle kung sakaling ito nga ay kaniyang anak. Kung kaya naman nagmagandang loob na si Raffy Tulfo na bayaran ang DNA test upang malaman talaga nila ang katotohanan kung si Emerson nga ang ama ng bata.


Mayroon namang malakas na kaso ang dalawang ina laban kay Emerson kung kaya kinailangan pa nitong magpiyansa ng P16,000 upang makalaya. Sinisi naman ng lalaki ang mga babae na ito na dapat sana ay para sa mga anak na lamang niya ang pera na kaniyang ginamit pangpiyansa.



Source: Raffy Tulfo




error: Content is protected !!