Binigyan ni Tulfo ng isang set ng 18 karat na mga alahas ang misis na ito matapos siyang pagtaksilan ng asawa at bilhan pa ng kwintas ang kabit nito!



Isang mag-asawa ang lumapit sa programa ni Raffy Tulfo na pinamagatang “Raffy Tulfo In Action”. Nais ng mag-asawa na mabawi ang kwintas at P30,000 na halaga ng salapi na ibinigay ng mister sa kaniyang kabit. Hindi man tinulungan ni Raffy ang mag-asawa ay binigyan naman niya ng isang set ng 18 karat na mga alahas ang misis.



Ayon sa kanilang kwento ay isang taon na palang nakikipagrelasyon si Arnel Rosel sa kaniyang kabit na nakilala bilang si Analyn Lamela na 42 taong gulang at nagtatrabaho bilang isang beautician. Nagkakilala ang dalawa sa isang videoke bar ng pilit silang pinagtatambal ng mga kaibigan ni Arnel. Kahit pa nga kasal na ang lalaki ay niligawan pa rin niya si Analyn at patuloy pa rin silang nagkikita. Hindi iniwanan ng mister si Analyn at patuloy na inilihim ito sa tunay niyang asawa. Ang kawawang misis ay walang kaalam-alam na may ibang babae ang kaniyang mister at binibigyan pa niya ito ng pera.


Sa higit na isang taon nilang relasyon ay nakapagbigay na si Arnel ng tinatayang P30,000 kay Analyn at isang kwintas na nagkakahalaga ng P8,000. Umamin din naman ang mister sa kaniyang misis na si Raquel Rosel tungkol sa kabit nito. Masamang masama ang loob ni Racquel kung kaya naisipan niyang ilapit sa programa ni Raffy Tulfo ang kaniyang sitwasyon dahil sa nais niyang makuha ang kwintas na ibinigay ng mister sa kaniyang kabit ngunit matapang na nagpahayag si Analyn na hinding-hindi ito ibibigay kahit sino pa ang kumuha sa kaniya nito.


Laking gulat naman ng host ng programa na si Raffy Tulfo ang inasal ng kabit kahit ka pa nga alam niyang maaari siyang mapanood sa national television. Sinabahan pa niya si Arnel na napakalaking pagkakamali ang ipagpalit nito ang misis niya sa ganoong klase ng babae. Pagkatapos nga ng programa ay inutusan ni Raffy ang kaniyang staff na bumili ng isang set ng mga alahas para kay Raquel, isang kwintas na mayroong pendant, singsing, hikaw, bracelet, at maging ng anklet!





error: Content is protected !!