Isinusulong ngayon ni Mayor Isko Moreno ang libreng pag-aaruga ng mga pusa at aso sa kalye!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang pagbabalak ng alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno na magsulong ng isang programang makakatulong sa pagbibigay ng wastong pag-aalaga sa mga aso at pusa na nakatira sa kalye. Ito ay nabanggit ng alkalde matapos niyang makita at makilala si “Kabang” na binansagan ding “Hero Dog” ng Zamboanga City. Noon pa man ay hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang pagnanais ni Mayor Isko para sa rehabilitasyon ng “Manila Zoo” at nauna na rin nitong naipahayag na hindi niya nanaisin na ibenta ito.



Talaga namang hindi matatawaran ang dedikasyon at pagsusumikap ng alkalde na magampanan ang kaniyang mga ninanais na proyekto at programa para sa kaniyang nasasakupan. Tunay nga na hindi niya sinasayang ang oras upang masolusyunan na ang maraming mga bagay at problema sa lungsod ng Maynila. Ilan na marahil sa mga ito ay ang pagpapaalis niya sa mmga nakaharang na paninda at mga nagtitinda na gumagamit ng malaking bahagi ng daan sa Baclaran at maging sa Divisoria. Hindi rin niya pinalampas ang paglilinis sa underground pass ng Quiapo na talaga namang nagpahanga sa maraming mga Pilipino, taga-Maynila man o kalapit bayan.


Hindi napapagod ang alkalde na bigyang tugon ang lahat ng mga nakikita niyang dapat ayusin sa kaniyang lungsod. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na maging ang mga pusa at aso sa lansangan ay nais niya ring maisaayos. Ninanais ni Mayor Isko na magkaroon ng maayos na tahanan at tamang pag-aaruga para sa mga pusa at aso na pakalat-kalat lamang sa mga iskenita at sa mga daanan.


Ibinahagi ng alkalde ang plano niyang ito nang makilala niya nang personal ang hero dog na si “Kabang”. Si Kabang ang aso na tumulong sa dalawang bata noong 2013 upang mailigtas sila mula sa kapahamakan at dahil nga sa kabayanihan niyang ito ay halos mawala na ang harap na bahagi ng kaniyang mukha. Pagbubunyag pa ni Mayor Isko ay personal na mahilig talaga siya sa mga aso kung kaya naman tiyak na magkakaroon ng tamang lugar para sa kanila.





error: Content is protected !!