Sikat na host na si Willie Revillame nais makatulong sa panahon ng sakuna kung kaya nag-aaral nang magpalipad ng helicopter!



Hindi na lingid sa ating kaalaman ang maraming mga kalamidad o sakuna na pinagdaanan ng ating bansa sa mga lumipas na panahon. Maaaring ito ay bagyo, lindol, sunog, baha, tsÜnami, pagputok ng bulkan, terorismo at marami pang iba. Ngunit iba pa rin talaga ang mga Pilipino na talaga namang mas lalong lumalaban sa buhay sa kabila ng maraming mga pagsubok. Kahit pa nga lugmok na ang marami sa atin sa kahirapan ay hindi pa rin maiaalis sa ating mga mukha ang tunay ng ligaya at kagalakan. Tila naging tatak na ng bawat Pilipino ang hindi magpagapin sa maraming hamon ng buhay.



Buti na lamang at mayroon pa ring mga tao na handang tumulong sa atin. Ilan na marahil sa mga ito ay ang ilang mga pribado at pangpublikong organisasyon, o di kaya naman ay mga tao na mayroong busilak na mga puso na hindi na naghahangad pa ng kahit anong kapalit para sa pagtulong nila sa kanilang kapwa.


Tulad na lamang marahil ni Kuya Wil na isang sikat na host, aktor, komedyante, at negosyante na kilalang-kilala at hinahangaan ng maraming mga Pilipino. Kamakailan nga lamang ng ibinahagi nito sa publiko ang pagnanais niyang makatulong sa gitna ng sakuna kung kaya naman nagsasanay siyang magpalipad ng helicopter. Ayon sa 58 taong gulang na host ay bukod sa hilig niya talaga ang pagpapalipad ng helicopter ay nais niya talagang matutunan ito upang mas lalo pang makatulong sa maraming mga Pilipio sa panahon ng sakuna.


At ito nga ang kaniyang naging pahayag:
“Who knows, in the future, huwag naman sana, kulang ng piloto, makatulong ako sa emergency? Kung may mga di$aster, I can help,” ito ang naging pahayag ni Kuya Wil nang siya ay nasa Singapore para sa contract signing ng Wil2Play mobile app na magiging extension ng Wowowin. Sa ngayon ay kumukuha na si Kuya Wil ng helicopter flying lessons.


At tiyak na dadaan siya sa mahigpit na pagsusuri ng Civil Aviation Authority of the Philippines bago siya maging ganap na piloto at makakuha ng personal license.






error: Content is protected !!