Anak ni Marian Rivera na si Zia Dantes, lumalaking napakaganda at manang-mana sa mommy!



Sino nga naman ang hindi mapapangiti sa mga anak ng mga sikat na artistang ating iniidolo? Marami sa atin ang talaga namang humaling na humaling sa kanilang mga cute na videos at mga larawan na talaga namang kinagigiliwan ng marami. Hindi natin pinapalampas ang kanilang mga kakulitan, mga salita at mga kilos at maging ang kanilang pagiging bibo.



Kagaya na lamang ng panganay ng celebrity couple na sina Kapuso Primetime King and Queen Marian Rivera-Dantes at Dingdong Dantes na talaga namang pinanggigigilan ng marami sa atin ngayon. Sa ngayon nga ay walang mapagsidlan ang kaligayahan ng kanilang buong pamilya sa pagdating ng ikalawang supling ng mag-asawa na si Baby Ziggy.




Tunay ngang namana din nito ang angking kagwapuhan ng kaniyang ama na si Dong. At ngayon nga na isa nang ate si Baby Zia, talaga namang kakikitaan siya ng mga natatanging ugali ng isang mapagmahal at responsableng ate. Ngunit higit pa rito ay talaga namang mapapansin din ng karamihan ang mas lalong pagganda nito habang siya ay lumalaki.




Kapansin-pansin na mas nagiging kasing-ganda siya ng kaniyang mommy Marian sa mga larawan at sa mga video nito. Kahit nga ang kaniyang ina mismo ay giliw na giliw sa pagiging cute ng kaniyang anak.




Hindi lamang maraming mga fans at taga-suporta ng Dantes Squad ang napapamahal kay Ate Zia kundi maging ang ilang mga kilalang artista din sa industriya ng show business. Talaga nga namang kahit bata pa ang Unica Hija nina Marian at Dingdong ay sanay na sanay na itong umanggulo sa harap ng kamera. Marami na nga din ang hindi makapaghintay na mapanuod na umaarte sa telebisyon at mga pelikula ang napakagandang bata na ito. Talaga namang gaganda ang araw mo sa mga magaganda at nakakagigil na larawan ng mga anak ng isa sa pinakahinahangaang celebrity couple sa buong Pilipinas.






error: Content is protected !!