“Bare Face Photo” ni Marian Rivera umani ng mga papuri at paghanga mula sa publiko!



Marahil ay marami ang napapaisip sa atin ngayon kung ano nga kaya ang hitsura ng mga minamahal at mga paboritong artista sa likod ng kamera o di kaya naman ay kung wala silang kahit anong make-up na inilalagay sa kanilang mga mukha? Malaki kaya ang pagbabago o ang pagkakaiba nito sa kanilang hitsura sa harap ng kamera o di kaya naman ay mas lalo pa silang gumaganda?



Likas na sa maraming mga kababaihan ang magsuot ng mga make-up sa labas ng kanilang mga tahanan o kahit pa nga minsan ay nasa bahay lamang sila. Para bang mas nagiging maganda at presentable ang tingin nila sa kanilang sarili lalo na kung mas napapaganda pa ng mga inilalagay nilang make-up ang kanilanng angking kagandahan. Ngunit kadalasan mayroon din namang mga kababaihan na mas komportable na walang inilalagay na make-up sa kanilang mga mukha lalo na kung wala naman silang importanteng lakad sa araw na iyon.


Kagaya na lamang ng napakagandang mommy na ito na walang iba kundi ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Kahit pa nga dalawa na ang kaniyang mga anak ay hindi pa rin kumukupas ang napakagandang mukha nito at talaga namang hindi pa rin niya pinababayaan ang kaniyang kalusugan at pangangatawan. Hindi na nga rin kataka-taka na maging usap-usapan ngayon sa social media ang kaniyang “bare face photo” na talaga namang hahangaan mo ng husto.


Sadyang napakapalad ng kaniyang mister na si Dingdong Dantes na masilayan ang mala-anghel na kagandahan ng kaniyang misis araw-araw sa pagmulat ng kaniyang mga mata. Talaga namang napakanatural ng mukha ng sikat na aktres at host na ito. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangan pang magmake-up dahil talaga namang kahanga-hanga na ang kaniyang kagandahan kahit pa wala itong ilagay na make-up sa kaniyang mukha.


Isang napakagandang halimbawa na kahit pa abala ka sa iyong trabaho o iyong pamilya, kailangan mo pa ring alagaan at mahalin ang iyong sarili dahil hindi ka lang basta isang ina, o isang asawa para sa iyong pamilya dahil higit sa lahat ay isa ka ring babae. Marapat lamang na bigyang-pansin at pagpapahalaga mo rin ang iyong sariling kalusugan at pangangatawan.