Isang GrabFood driver, inirereklamo ng galit na galit na customer dahil sa pagiging bastos nito at palagiang pagtawag sa kaniyang cellphone, dahilan upang matalo siya sa ML!



Isang babae ang usap-usapan ngayon sa social media dahil sa pagrereklamo nito tungkol sa isang bastos na GrabFood driver na hindi na tumigil kakatawag sa kaniyang cellphone habang naglalaro siya ng popular na mobile game, ang “Mobile Legends”.



Nais niyang makuha ang simpatya ng mga netizens dahil sa natalo siya sa kaniyang nilalarong Mobile Legends ngunit hindi niya inakala na mapapakuluan pala siya sa sarili niyang mantika at maraming mga netizens pa ang magagalit sa kaniya.


Ang nasabing customer ay nakilala bilang si Trixie Dauz na nagbahagi sa kaniyang social media account ng kaniyang pag-aalburoto sa isang GrabFood driver na nakilala bilang si Ramer Monteflor Beraquit.Sa viral na post ng babaeng customer ay makikitang kung anu-ano ang pinagsasabi niya sa kawawang rider dahil lamang sa diumano’y walang tigil nitong pagtawag sa kaniya habang ito ay naglalaro. Galit na galit pa ang babae dahil sa tanso na lamang daw ang nakuha nito sa kaniyang natalong laro.


Dagdag pa ni Trixie, dapat ay hinanap ng driver ang pagkakakilanlan niya upang nalaman niya na player siya ng “Mobile Legends” at hindi dapat siya basta-basta na lang tumatawag dito. Sinagot naman siya ng driver at humingi ito ng paumanhin sabay sabi na ginagawa lamang niya ang kaniyang trabaho.


Gigil na gigil pa rin ang babaeng customer at sinabihan pa siya nito na siya ang dahilan kung bakit sila natalo sa laro at kung bakit sila gutom. Sinabihan din niya na masamang tao ang driver at marahil ay tao siya ng kanilang kalaban kung kaya naman sinadya niyang tumawag ng tumawag sa kaniya upang matalo sila.



Ibinahagi naman ng netizen na si Joshua Adesna ang mga ibinahaging post ni Trixie na umani rin ng samu’t-saring mga batikos at negatibong komento mula sa mga netizen. Marami sa mga netizen ang naawa sa driver at nagalit sa babaeng customer na si Trixie sa asal nito sa ibang tao dahil lamang sa paglalaro niya ng “Mobile Legend”.