Kambal na anak nina Korina Sanchez at Mar Roxas, bininyagan na dito sa Pilipinas na dinaluhan ng malalapit nilang kamag-anak



Marami sa atin ang nangangarap magkaroon ng sarili nating pamilya at mga anak matapos nating maabot ang ilan sa mga pangarap at mithiin natin sa ating buhay. Kung kaya naman talagang pinagsusumikapan nating matupad ang mga ito sa panahon o sa edad na handa na tayo.



Ilan nga sa mga sikat na personalidad na matagal naghintay hanggang matupad ang kanilang minimithing pamilya ay ang sikat na host/anchor na si Korina Sanchez at ang dating senador na si Mar Roxas.


Nasorpresa ang marami ng ibahagi nila ang napakagandang balita tungkol sa kanilang kambal na anak. Talaga namang napa-cute at nakakagigil ang kambal ng mag-asawa na kamakailan lamang ay bininyagan na nga dito sa Pilipinas na dinaluhan ng malalapit nilang mga kamag-anak at kaibigan.


Naging pribado at mapayapa ng naging binyag ng kanilang mga supling at kamakailan nga lamang ay nagbahagi rin ng ilang mga larawan ang proud na proud na nanay ng kambal.
Talaga namang mapapansin sa kanilang mga larawan ang cuteness ng kambal. Ayon pa nga sa sikat na host ng programang “Rated K”, hindi man lamang daw umiyak ang kanilang mga anak habang sila ay binibinyagan. Talaga nga namang enjoy na enjoy sila sa paglabas at sa maraming mga tao.



Hinangaan naman ng maraming mga netizens ang pagiging hands-on ng mag-asawa sa kanilang mga anak. Tunay ngang bakas sa kanilang mga mata ang labis labis na kasiyahan sa pagdating ng dalawang anghel na ito sa kanilang buhay. Marami ding nagtatanong na mga netizen kung papasukin din kaya ng kanilang mga anak ang industriya ng show business, ang journalism, o anng pulitiko?

Tiyak na mahaba-habang paghihintay pa bago masagot ang mga tanong na yon ngunit ang pinakamahalaga ngayon ay ang kaligayahang naidudulot nina Pepe at Pilar sa kanilang mga magulang at maging sa maraming mga tao na nakapaligid sa kanila.




error: Content is protected !!