Mga dating miyembro ng sikat na Teen Show na TGIS noon, narito na ang kanilang mga bagong buhay ngayon!



Ang sikat na teen show noon na TGIS o Thank God It’s Sabado ay kilalang-kilala ng mga batang ‘90s. Ang unang batch nito ay mayroong labing-apat na mga miyembro ang unang batch ng nasabing programa at ilan nga sa mga ito ay artista pa rin hanggang sa ngayon tulad na lamang nina Dindong Dantes, Sunshine Dizon, at Bobby Andrews. Ngunit ang ilan sa kanila ay pinili na lamang na iwanan ng industriya ng show business at tahakin ang kani-kanilang mga propesyon. Ito ang ilan sa kanila:

1. RAVEN VILLANUEVA




Si Raven Villanueva ay gumanap na si Cris sa nasabing sikat na teen show ngunit hindi rin siya nagtagal sa larangan ng pag-aartista dahil sa mas pinili niyang manirahan sa Amerika.

2. CHUBI DEL ROSARIO





Gumanap si Chubi del Rosario bilang si Reyster sa nasabing palabas. Bagamat hindi na siya makikita sa harap ng kamera ngayon ay pinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang nais na propesyon dahil sa ngayon ay may-ari na siya ng isang event planning company at kadalasan ding makikitang nagpeperform at gumaganap bilang isang host sa ilan nilang mga events.



3. DINO GUEVARRA



Ginampanan naman ni Dino Guevarra ang papel ni David. Napangasawa niya rin ang kaniyang katambal noon na si Kim delos Santos ngunit hindi naging matagumpay ang kanilang relasyon at napagpasyahan din nilang maghiwalay na lamang. Sa ngayon ay masaya siyang namumuhay kasama ang kaniyang dalawanng mga anak at asawa na si Karen Gabriel.



4. KIM DELOS SANTOS




Gumanap naman siya bilang si Tere Gonzaga sa TGIS. Bagamat naging matagumpay naman siya sa kaniyang pagsabak sa industriya ng show business ay mas pinili pa rin iyang mangibang-bansa kung saan siya nagtrabaho at naging isang registered nurse sa Amerika.

5. RED STERNBERG


Siya naman si Kiko sa nasabing teen show. Talaga namang kinakiligan siya ng marami noon dahil sa gwapo na ay tisoy pa ito. Ngunit hindi rin siya nagtagal sa pag-aartista at mas minabuting bumalik sa Amerika upang doon manirahan kasama ang kaniyang pamilya.




error: Content is protected !!