Babaeng PWD na walang mga paa mula pagkasilang hindi pinapasok ng gwardiya sa loob ng BIR dahil sa nakashort lamang ito!

Naging usap-usapan sa social media ang babae na ito matapos niyang ibahagi ang kaniyang naging karanasan sa isang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue nang hindi siya papasukin sa loob ng tanggapan dahil sa nakasuot siya ng shorts lamang.

Ang nasabing babae ay nakilala bilang si Nancy Torrelino Boroc, 27 taong gulang na nagtungo sa Bureau of Internal Revenue sa Calbayog City upang ayusin ang ilang papeles ng kaniyang ate. Ipinanganak siyang walang mga paa at noon pa man ay isa na siyang Person With Disability o PWD kung kaya naman hindi na siya nagsusuot pa ng mahahabang pantalon at shorts na lamang ang kaniyang isinusuot mula pa man noon. Kung kaya naman laking gulat na lamang niya ng harangin sila ng guwardiya sa nasabing tanggapan dahil sa diumano’y hindi niya pagsunod sa nararapat na kasuotan sa loob ng tanggapin.

Ayon pa kay Nancy, hindi niya alam ang kaniyang mararamdaman sa ginawang iyong ng guwardiya dahil sa wala naman siyang mga binti para makapagsuot pa siya ng mga pantalon. Ibinahagi ni Nancy ang pahayag niyang ito sa isang Facebook post noong Martes Agosto 6. Ang nasabing post ay umani na ng higit sa 7,400 na mga reaksyon, at 4,100 na mga shares. Marami ang nadismaya at hindi nasiyahan sa inasal ng guwardiya. Matapos nito ay umuwi na lamang siya sa kanilang tahanan at kumuha ng mahabang medyas upang matakpan ang kaniyang hita at hindi masyadong makita na siya ay nakashorts lamang. Ngunit laking gulat nila ng papasukin na sila ng kasamahan ng guwardiya na una nang humarang sa kanila. Bagamat wala na noon ang guwardiya at hindi na nakaduty ay naparating naman ito ng paghingi ng tawad sa kaniya.

Dagdag pa ni Nancy nais niya lamang ibahagi ito sa publiko hindi upang hamakin ang guwardiya na sinusunod lamang ang mga panuntunan sa kaniyang trabaho kundi mabigay ng kaalaman sa maraming mga tao ang mga nararanasan ng mga PWD na katulad niya sa labas ng kanilang tahanan. Sana rin ay mas maging sensitibo ang mga tao at magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga guwardiya kung paano matutulungan at magagabayan ang mga katulad niyang PWD, mga senior citizen, at mga buntis.



error: Content is protected !!