Heaven Peralejo, mayroong ibinahagi tungkol sa relasyon nila ni Jimuel Pacquaio na naging usap-usapan ngayon ng publiko!



Marami na tayong nababalitaan na iba’t-ibang mga intriga at kontrobersiya sa industriya ng show business. Tila wala na nga talagang pinipili na panahon at pagkakataon ang mga isyung ito na patok na patok naman sa maraming mga Pilipino.



Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang relasyon ng aktres na si Heaven Peralejo sa anak ni senador at boxing champ Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao. Matatandaan na naging laman sila ng mga balita sa telebisyon at maging sa social media dahil sa kanilang tunay na relasyon bilang magkasintahan.


Hindi naman ito naging problema sa kanilang pamilya dahil sa suportado naman nila ang kanilang relasyon. Hindi rin lingid sa marami ang naging pahayag ng ina ni Jimuel na si Jinkee Pacquiao na wala siyang problema sa relasyon ng kaniyang anak at ni Heaven dahil sa pareho naman silang Christian. Marso ng taon na ito ng maging opisyal ang kanilang relasyon sa publiko.


Hindi rin naman nakaligtas sa mata ng publiko ang naging pag-unfollow ng magkasintahan sa kanilang kani-kaniyang social media account. Pinagpyestahan ng mga netizen ang isyung ito at nagkaroon nga ng mga usap-usapan na hiwalay na ang dalawa. Kasabay na rin ng viral video ni Heaven sa kaniyang vlog nang siya ay madulas na “ex” na niya si Jimuel nang magbigay siya ng pahayag patungkol sa mga taong nagsasabi na isa siyang “gold-digger”.


Matapos nito ay nakapanayam naman siya sa programang Magandang Buhay ng ABS-CBN. Kung saan siya ay tinanong ng host na si Karla Estrada tungkol sa estado ng relasyon nila ni Jimuel na sinagot naman agad ni Heaven ng, “Sabi po kasi ng mom ko, “Don’t ever let anyone make you feel that you are not enough because you are (enough).’”



Dahil sa hindi niya ito diretsang sinagot ay tinanong siya muli kung hiwalay na nga ba sila at ang tanging sagot niya lamang ay itanong na lamang di umano kay Jimuel.




error: Content is protected !!