Isang lalaki gumawa ng isang miniature na bahay gamit lamang ang maliliit na piraso ng bricks!



Ang pagsasakatuparan ng pangarap mong bahay ay hindi lamang nangangailangan ng malaking halaga ng salapi ngunit ng mas mabusising pagpaplano at pagpili ng mga tao na tutulong sa iyong magawa ang iyong mga plano sa bago mong tahanan.



Kahit pa nga mahirap ang pagpupundar ng pangarap nating tahanan, tiyak na mapapawi naman lahat ng hirap at pagod kapag natapos na ito. Kung kaya naman nagbigay ng ideya ang lalaki na ito kung paano magtayo ng isang bahay gamit lamang ang “mini-house” bilang modelo.


Ang nasabing video ay ibinahagi ng YouTube channel na OUROBOROS ARQ. Ang magiging pundasyon ng bahay ay una nang sinukat at minarkahan. Maging ang mga magsisilbing pader ng bahay ay nilagyan na din ng mga marka. Sumunod naman ay ang paglalagay ng mga “steel bars” sa nauna nang hinukay na nga butas sa mga sulok ng bahay. Maging ang mga “column” ng bahay ay nilagyan na rin ng mga “steel bar”.


Nang maayos nang nailagay ang mga bakal ay isinunod na ang paglalagay ng mga semento sa pundasyon ng bahay. Nagkaroon din ng maayos na bentilasyon ang nasabing bahay dahil na rin sa mga bintana nito.


Mga nakatihaya na bakal naman ang sunod na ikinabit para sa magiging ikalawang palapag ng maliit na bahay. Mas maraming mga maliliit na bricks ang pinagpatong-patong. Dahil sa mga bricks na ito ay mas maraming mga kwarto pa ang kanilang nailagay. Mga “popsicle sticks” naman ang ginamit para sa bubungan ng bahay. Talaga namang napakaganda ng pagkakagawa sa bubungan ng maliit na bahay.



Nilagyan din ito ng semento sa labas at puting pintura upang tunay na tirahan. Mayroon pa ngang mga “handrails” na nilagay sa hagdanan at mga maliit na halaman. Aakalain mo ngang totoong tahanan talaga ang ginagawang ito dahil sa mga “bricks” na ginamit ng YouTube uploader na talagang kamukhang-kamukha ng ginagamit sa pagpapatayo ng totoong bahay.

Talaga namang magugulat ka sa naging resulta ng bahay na ito at nanaisin mo talagang magkaroon din ng ganitong tirahan sa pagdating ng tamang panahon.






error: Content is protected !!