Maymay Entrata, sinilaw ang publiko sa kaniyang “kili-kili” pose!



Aminin man natin o hindi marami sa ating mga kababaihan ang medyo nag-aalangan ipakita sa marami ang ating kili-kili. Hindi naman kasi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataon na maalagaan ito ng maayos o di kaya naman ay makapagkonsulta sa espesyalista kahit isang beses lamang sa isang buwan.



Marahil marami sa atin ang sumubok na rin ng ilang mga home remedy upang kahit papaano ay maging kaaya-ayang tingnan ang ating kili-kili na kahit papaano ay maaari tayong magsuot ng mga kasuotang walang manggas nang walang inaalalang panghuhusga o pang-aasar mula sa ibang tao.


Bagamat marami sa ating mga kababaihan lalo na ang mga abalang ina ng tahanan ang hindi ito nabibigyang-pansin masyado, tiyak na darating din ang panahon na magkakaroon din sila ng pagkakataong mas bigyang-pansin ang kanilang sarili.


Hindi na nga nakapagtataka na marami ang humahanga ngayon sa Kapamilya actress na si Maymay Entrata hindi lamang sa kumpiyansa nito sa kaniyang sarili at angking kagandahan kundi dahil na rin sa kaniyang nakakasilaw na “kili-kili” pose. Talaga namang napukaw nito ang atensyon ng maraming mga Pilipino. Ang nasabing mga larawan ng aktres ay kuha sa kanilang bakasyon sa Estados Unidos kasama si Edward Barber.


Umani ito ng samu’t-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko. Talaga namang hindu pinalampas ng mga netizen na purihin ang maputi at makinis niyang kili-kili, maging ang kaniyang magandang pangangatawan, lalo na ang kaniyang tiyan. Tunay ngang kung aalagaan at mamahalin mo ang iyong sarili ay makikita at mapapansin ito ng maraming mga tao sa iyong paligid. Bukod pa rito ay hahangaan ka nila at magsisilbi kang inspirasyon sa kanila kagaya na lamang ni Maymay. Si Maymay Entrata ay isang Pilipinang aktres, mang-aawit, modelo, at ang naging grand winner ng reality television show na Pinoy Big Brother: Lucky 7 at ang kauna-unahang Pilipina na rumampa sa Arab Fashion Week.






error: Content is protected !!